Press "Enter" to skip to content

Alden Richards pagtutuunan na ang kanyang love life

Naganap ang muling pagpirma ni Alden Richards ng exclusive contract sa kanyang home studio, ang GMA Network, ngayong Biyernes ng umaga, October 15, sa Edsa Shangri-La Hotel, Mandaluyong City.

Pinatunayan ni Alden na may magandang kapalit ang pagiging matiyaga at loyal ng isang tao dahil sa kanyang mga karanasan sa labing-isang taong pananatili bilang Kapuso star na nagsimula noong December 8, 2010.

Malalaki pa rin ang plano ng GMA-7 para kay Alden, pero marami ang naintriga at nasabik sa pahayag ni GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable tungkol sa isang proyektong gagawin ng 29-year-old actor.

“Meron siyang uumpisahan na mas malaki pang project na sigurado akong matutuwa ang fans, matutuwa ang manonood, matutuwa ang netizens, kasi isang exciting title ang gagawin niya at magugulat sila sa role na gagampanan niya.

“Sabi niya [Alden] kanina, he’s ready to do things that he does not normally do and this is one project na maipapakita niya yun,” sabi ni Rasonable na tiyak na iimbestigahan ng netizens na naintriga sa karakter na gagampanan ni Alden.

ALDEN’S RESTAURANT BUSINESS

Isa si Alden sa mga aktor na hindi nawawalan ng mga TV assignment at product endorsements sa panahon ng coronavirus pandemic.

Pero may epekto rin ito sa kanyang mga negosyo dahil napilitan siyang isara ang isang restaurant niya sa Quezon City, at ito ang nabanggit niya sa naganap na virtual media conference.

“The restaurants, my businesses in the south is doing good.

“I just closed one here in Quezon City kasi nga po hindi talaga kinaya yung effects ng pandemic sa NCR, kasi ang NCR po yung heavily damaged ng pandemic.

“But so far, okay naman po yung restaurants sa south.

“Yung fastfood restaurant po namin is really doing well and, kahit papaano, hindi ko naman po masabi na maluwag na, kahit papaano, hindi na ganoong kahigpit.”

ALDEN’S LOVE LIFE

Nang tanungin kung kailan niya pagtutuunan ang kanyang love life, siguradong-sigurado si Alden sa kanyang sagot.

Aniya, “Actually, andoon naman po ako kasi, yun nga po, magti-thirty [years old] na ako next year and siyempre, yung priorities natin, nag-iiba na.

“Parang I’ve already done quite a huge part for the lives of the people close to me. Parang it’s about time naman na ako naman.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *