Press "Enter" to skip to content

Aubrey Caraan, Marco Gallo take over roles in film intended for JaDine

Nang unang tumuntong ang direktor na si Darryl Yap sa opisina ng Viva Films noong 2019, ang mga script ng #Jowable at Ang Manananggal na Nahahati ang Puso ang kanyang dala.

Ang #Jowable ang unang movie directorial job ni Darryl.

Isinulat naman niya ang kuwento ng Manananggal para sa love team noon nina Nadine Lustre at James Reid. Pero hindi ito natupad dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Ngayong 2021, natuloy ang pangarap ni Darryl na gawing pelikula ang kuwento ng Ang Manananggal na Nahahati ang Puso.

Pero sina Aubrey Caraan at Marco Gallo na ang mga bida, hindi ang love team nina James at Nadine.

Sa naganap na virtual media conference ng Manananggal ngayong Miyerkules ng hapon, September 8, sinabi ni Darryl na hindi patas na pagkumparahin ang apat dahil sina Aubrey at Marco ang mga napili niyang bida ng pelikula.

Pahayag ng direktor, “It will be very unfair to compare these actors. But as an audience noong hindi pa po ako nagdidirek, I always have a fixation to work with the biggest stars.

“But if you’re going to ask me when it comes to acting and delivery, when it comes to the truth that the artist is showing, Nadine is very sincere in acting and James is very raw.

“But if you give the chance to Aubrey and Marco, napakagaling po nila sa pelikulang ito.

“It made me not question why this was not originally made… I mean, the making of the movie was not originally made for those two actors [James and Nadine], yun pala nakatadhana para sa dalawang ito [Marco and Aubrey].”

THE MOVIE IS MORE BEAUTIFUL WITH AUBREY AND MARCO

Inaasahan ni Darryl na makakatanggap ito ng mga batikos dahil sa kanyang mga pahayag, pero pinanindigan niya ang paghanga kina Aubrey at Marco.

Saad niya, “Alam ko maba-bash ako, pero napakahusay po ni Aubrey at saka ni Marco.

“It could have been a beautiful movie with Nadine and James, but I think landing with Aubrey and Marco, the movie is more than beautiful.

“The movie is truthful, the movie is truly an experience.

“Paulit-ulit po ako habang katatapos pa lang ng eksena nilang dalawa, umiiyak ako.

“Sinasabi ko sa kanila na doon ko nakita kung paano ko gustong mangyari.”



Patuloy ni Darryl, “Alam niyo, kapag masyado nang sikat yung mga artista, meron silang mga pasubali. Meron silang restrictions and doubts of the the things they have to say or they have to act.

“Pero dahil nga ang dalawang ito ay matagal nang nauuhaw sa atensiyon at pagkakataong maipakita kung ano talaga sila bilang artista, unang bigay pa lang po, drone shot pa lang po, ibinigay na nila kahit napakalayo ng kamera.

“Lalo kong minahal itong dalawa, pati ang Beks Battalion, kasi more than comedians, they’re really actors. These five, they’re really artists.”

Sabi pa ni Darryl: “Hindi ko na nakikita ang JaDine sa Ang Manananggal.

“Nung nagawa na ito nina Aubrey at Marco, I erased all my questions and told God that really, everything happens for a reason.”

NADINE AND JAMES VIBE

Si Aubrey ang pinili ni Darryl na magbida sa Ang Manananggal na Nahahati ang Puso dahil nakita niya sa young actress ang Nadine Lustre vibe na kanyang hinahanap.

Natagpuan din ni Darryl kay Marco ang mga katangian ni James.

Lahad ng direktor, “I was looking for someone who has the Nadine Lustre wavelength, and when I saw Aubrey sa performance in one song in all the music videos of Pop Girls, nakita ko na may vibe na ganoon.

“Tinanong ko na agad si Chad Kinis, sabi ko, ‘Okay ba itong Aubrey?’

“Ang unang-unang sagot sa akin ni Chad, ‘Napakabait na bata niyan.’

“Ang sabi ko, ‘Hindi naman ako naghahanap ng mabait. Ang itinatanong ko, okay ba siya, marunong ba siya?’

“Sabi ni Chad, ‘Ay, oo. Hindi na pag-uusapan ‘yon. Marunong umarte, marunong kumanta, marunong sumayaw.’

“Kahit hindi nga ako kumbinsido, I need to look at this person.

“So, this is the moment where I say sorry to Aubrey and Marco for being scheming when I actually, noong tinitingnan ko si Marco, tinitingnan ko kung meron ba siyang James Reid, may ganoon ako, because I wrote it for those two.

“Nung nakita ko si Marco na meron, sabi ko, ‘Sige, game.’ Tapos napahiya ako sa sarili ko, kasi nung silang dalawa na, they did not bring JaDine.

“Right on my face, they smashed my expectations and then they presented themselves as new love team which is very truthful, very realistic and very sincere.

“That’s what they are—si Marco at saka si Aubrey.”

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *