Press "Enter" to skip to content

Bianca Umali aminadong humingi ng signs tungkol sa love life: “So far, masaya yung puso…”

“I think hindi naman po magiging masaya yung puso ko kung hindi ko nakikita yung mga senyas ng universe,” ang nakangiting sagot ni Bianca Umali nang tanungin siya kung may nakita siyang mga senyales na may kinalaman sa love life niya.

Nangyari ang pagtatanong kay Bianca sa Facebook live session ng “The Signs,” ang October 10 episode ng GMA Regal Studio Presents, na pinagbibidahan niya at ng mga baguhan na aktor na sina Gab Moreno, Prince Carlos, at Carlo San Juan.

Sinabi ni Bianca na humihingi ito ng mga sign o palatandaan sa tuwing may gagawin siya na mahahalagang desisyon, hindi lamang sa pakikipagrelasyon kundi pati sa buhay niya.

“Sa lahat ng aspeto sa buhay, there are times talaga na hahanap ako ng sign. Let’s say, for a specific decision na gagawin ko sa career ko, I will ask for, pahingi po ako ng sign muna, ‘Bakit po ba ganito? Dapat po ba ganyan?’ Or mga kaibigan, pahingi po ng sign.

“Siyempre sa love life, pahingi po ng sign kung talagang siya na. Hindi ako magsisinungaling. Talagang may times po talaga na ganoon, but not always.”

Pero hindi naman raw siya yung tipo na hindi mabubuhay nang walang signs.

“Naniniwala ako sa signs depende sa kung ano yung sitwasyon. Depende kung bakit ko kailangan ng sign. Pero so far, okay naman po kami ng universe,” ang pahayag ni Bianca na ngumiti lamang nang banggitin ng isang entertainment editor ang pangalan ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Nag-umpisa ang acting career ni Bianca bilang child star at nasubaybayan ng publiko ang pagdadalaga niya.

Kahit noong bata pa siya, gustung-gusto at mahal na mahal ni Bianca ang pag-arte, at isa raw ito sa mga inihihingi niya ng mga palatandaan.

“Yung mga pangarap ko na hiningan ko ng sign, kung magtatagal po ba ako sa kung ano yung mahal kong gawin which is itong pag-arte.

“Hindi siya naging madali at hanggang ngayon, hindi rin po madali yung daan na tatahakin patungo sa pangarap ko.

“Pero the whole time, kahit nangyayari po yung sitwasyon na napanghinaan ng loob na naghihirapan, nagkakamali rin po bilang tao lang, never po ako nagkaroon ng rason o hindi po ako napalayo sa pag-arte.

“I think, there were many signs na talagang hinahatak lang ako, telling me to stay where I am. Stay with what I have, and I’m always happy that I did.

“I’m always happy na I choose to move forward every time I fall kasi mahal ko yung ginagawa ko and masaya ako kung nasaan man po ako ngayon.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *