Press "Enter" to skip to content

Billy Crawford ecstatic about Lunch Out Loud’s first anniversary: ‘People doubted us’

“Overwhelmed” at “happy” ang main host ng Lunch Out Loud (LOL) na si Billy Crawford na umabot ng isang taon ang kanilang programa.

Kasalukuyang naghahanda ang hosts at production team ng LOL sa first anniversary celebration ng TV5-Brightlight Productions noontime show ngayong Oktubre.

Ito ay sa kabila ng mga tsismis na lumabas noon na tatapusin o papalitan na ang LOL, lalo pa noong unang nang nakansela ang iba pang programa ng Brightlight sa TV5 tulad ng Sunday Noontime Live.

Ang Brightlight Productions ay pinamumunuan ng dating Negros Occidental congressman na si Albee T. Benitez.

Sa ekslusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) editorial team kay Billy noong Lunes, October 4, 2021, inamin ng TV host na marami talagang taong nagduda kung magtatagal ba sa ere ang kanilang programa.

Kaya naman grabe na lang ang tuwa nila na papasok sila ngayon sa kanilang first anniversary.

Ani Billy, “Iyong pakiramdam namin, we’re just overwhelmed and we’re so happy.

“Totoo naman iyong sinasabi mo na so many people that doubted us. Ang daming nagsabing hindi magtatagal iyan.

“Dahil simula nang nawala ang ABS-CBN, nagsilabasan ang lahat ng noontime shows from all over networks di ba, in different channels?”

Ayon pa kay Billy, masaya na sila noon na nagkaroon ng trabaho sa kabila ng pagpapasara sa ABS-CBN.

July 2021 nang ibinasura ng 70 congressmen ang bid ng ABS-CBN para i-renew ang prangkisa nito, dahilan upang mawalan ng trabaho ang libu-libong empleyado at mabawasan ng ginagawang programa ang mga artista nito.

Patuloy ng TV host/singer/actor, “So, noong nabigyan kami ng platform na ito, obviously we weren’t doing it for the popularity, we weren’t doing it for the longevity.

“We were doing it because we were blessed to have been given the opportunity to work again.

“So iyong goal namin, iyong motivation namin, iyong inspirasyon namin, galing sa isa’t isa—coming from the staff, coming from the hosts, the production, even from Cong. Albee.

“Lahat ng tao that was involved, everyone had faith, everyone had hope.”

BILLY ADMITS ASKING IF THE RUMORS ARE TRUE

Pero aminado si Billy na nasaktan siya at ang buong cast sa mga lumabas na balitang tatanggalin ito sa ere.

Umabot ito sa puntong nagtanong talaga sila kung totoo ba ang tsismis.

“When everyone was speaking ill about Lunch out Loud, siyempre, nasaktan kami at one point na totoo ba? Are we gonna be replaced? Are we gonna be taken out, cancelled, whatever?

“But at the end of the day, it really is a blessing from God talaga.

“Hindi namin ine-expect that we would last this long kaya hindi rin namin inexpect na lalakas iyong samahan namin.

“Kasi if you actually look, lahat ng tao na nandoon, iba-iba kami. Iba-iba iyong attitude namin, iba-iba iyong pananaw namin sa buhay o sa industriya.

“It is just sobrang sobrang laki ng pasasalamat namin sa Diyos na nandito pa rin kami after one year and we are hoping for many more years to come.

“Dahil ang goal lang namin dito ay magpasaya ng tao at makatulong sa kapwa.

“We are not competing with anyone. Kung sinumang gustong mag-compete sa amin bahala kayo, sige. Pero kami, we are not competing.

“We are just doing our jobs and we are just loving what we do and we are thankful we are doing it, ayun lang.”

RATINGS IMPROVEMENT

Di kalaunan, napatunayan namang hindi totoo ang mga tsismis dahil nagtuluy-tuloy sa pag-ere ang LOL.

Sa katunayan, mas tumaas pa ang ratings nito habang nagpatuloy sa pag-ere.

Nang hingan ng PEP.ph si Billy ng reaksiyon tungkol dito, sabi niya, “Medyo nakakaubos ng pananalita kasi it’s hard to explain na hindi naman talaga namin ine-expect na lahat kami mapupunta sa kahit na saan pang network.

“So iyong expectations namin talaga were zero. So when we were rating at 0.4, at 0.6 or 0.8 then 0.4 again, kumbaga wala, expected na namin iyon.

“Pero noong pumalo kami we were going 1, 1.5 tapos nag 2 ‘tapos bumaba ulit ‘tapos nag-2 ulit, doon mo mari-realize na parang there are still people who are willing to watch and willing to be glued to the TV.

“Kasi nawala na iyong ritual ng tao na nasa bahay ka na lang, manonood-nood tayo ng TV, wala na ang free TV, it’s very hard nowadays.

“So para makuha lang namin iyong audience namin ay nakakataba talaga ng puso, and they’re still there until now and it’s improving and we just want to improve, ayaw namin pabalik.

“Ang goal lang talaga namin here is just to be humble, with all humility and respect amongst each other and iyong mai-inspire at ma-motivate lang natin ang mga kapatid nating nanunuod na they will learn something from watching the show.

“Makakatulong kami kung may kailangan silang tulong if ever and iyong mga kalokohan namin, it’s as is, wala kaming masyadong script, bahala na si Batman.”

Naramdaman daw ni Billy mas naging positive ang aura ng programa nang magsimula silang magdasal sa bawat episode nila.

Aniya, “So honestly, we’re guided by God, to be honest with you, ha. Kasi noong sinuggest ni Direk Bobet Vidanes at one point…

“Kasi we always pray bago kami matapos ng cycle o ng taping, nagpe-pray kami.”

Patuloy pa ni Billy, quoting Direk Bobet, “‘Alam mo, maganda iyong idea na magdasal na lang tayo at the end of the show live.

“https://pmrsc.com/”I-take natin at iparamdam natin sa lahat na ipinagdadasal natin ang lahat, ang Pilipinas at buong mundo.’

“That’s where we got the attention na we care so much that we are just praying kasi iyon ang number one na pwede naming ibigay sa lahat, prayers para sa ating bansa, prayers para sa ating kalagayan.

“So it changed everything when we started to devote ourselves to God and when we offered this show to God, it was completely different na, sobrang nag-iba.”

WHAT TO EXPECT FROM LOL’S ANNIVERSARY CELEBRATION

Ayon kay Billy, para sa kanilang manunuod ang mangyayaring anniversary celebration ng LOL sa pamamagitan ng pamimigay ng “milyung-milyong papremyo” sa kabila ng pandemya.

Kesa raw sa magbigay sila ng mga pasabog performances ay ialay na lang nila ang kanilang anniversary para sa mga nangangailangan.

Ani Billy, “Itong pandemyang ito ay talagang limitado niya ang lahat, nilimitado niya iyong funds na paparating, funds na papalabas para makatulong, medyo limitado kami.

“Pero dito, guaranteed naman kami, we are not looking for the super pasabog performances of your entire life na makikita niyo si Alex, kakain ng bubog o kakain ng apoy.

“We’re just here to give good production numbers pero number one ang role namin, alam naming this anniversary month, milyun-milyon ang ipapamigay namin.

“So instead of us spending so much money for extravagant performances, we put the money, consolidate it, and invest sa mga taong may kailangan.

“Siguro dati, kapag nagsasagot ako, 12,000, 25,000, this time hindi natin alam kung talagang may kailangan, baka may kotse, baka may bahay, you never know.

“But it’s in that likes na engrande ang mga papremyo namin sa mga kapatid naming nangangailangan, that’s our biggest pasabog.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *