Simple lang ang pangarap ng nag-iisang anak ni Candy Pangilinan na si Quentin: “Maging sakristan.”
Kahit autistic at may mga espesyal na pangangailangan si Quentin, madalas niyang sabihin sa inang si Candy ang tungkol sa pangarap niyang ito.
Saan nga ba nagmula ang fascination ni Quentin sa pagiging sakristan?
“Maybe because since bata siya, he [would] always go to church and he sees kids his age doing the altar server job.
“Saling kit [saling-cat o saling-pusa] lang siya kasi as lay minister, which are people much older than him,” paliwanag ni Candy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pinapayagan na si Quentin na magsilbi sa simbahan, pero limitado ang mga responsibilidad na binibigay sa kanya, tulad ng pagpapatunog sa maliit na bell at pagbibigay ng hand sanitizer sa mga lay minister.
“We have restricted him to be in the altar because of his behavior. He practiced to stay still until he can be allowed to join as an altar server.
“We felt that being an altar server had so much responsibility that maybe Quentin couldn’t handle, like carrying the sacramentals. Now he is only allowed to ring the bell.
“I think he wants to serve and be given a real task, more than giving hand sanitizers to lay ministers,” kuwento ni Candy tungkol sa altar server duties ng kanyang anak na malapit sa Diyos.
Mapapanood sa mga vlog ng mag-ina ang kakulitan ni Quentin, pero makikita rin na may hatid na aral para sa lahat ang kanyang mga sinasabi at inaasal.
Dahil makulit si Quentin, itinanong namin kay Candy na kung sakaling payagan niya itong manood ng kanyang pelikula na Sa Haba ng Gabi, kukulitin ba siya nito?
Tungkol sa mga zombie ang kuwento ng Sa Haba ng Gabi, kung saan tampok sina Candy at ang real-life couple na sina Jerald Napoles at Kim Molina.
“Puwede niyang panoorin. Tatanungin lang niya, ‘What’s a zombie?’
“Puwede na siyang manood. It’s not something na may makukuha sila [sa movie] na ik-di-disgust nila. Wala naman.
“Quentin is already 18 years old. Magbi-birthday siya sa October 16, so 18 years old na siya. Puwede na siyang manood, i-e-explain ko na lang.”
Aminado si Candy na kailangan ng mahabang pasensya at pagtitiyaga sa pagpapaliwanag tungkol sa mga bagay-bagay na itinatanong ni Quentin. Hindi kasi ito tumitigil sa pangungulit hangga’t hindi siya nasisiyahan sa naririnig na sagot ng kanyang ina.
Kaya naman biro ng comedienne, “Kung gusto ko ba na i-explain iyon sa kanya sa mahabang proseso? Mas mabuting huwag ko na siyang papanoorin kasi mas mahabang proseso yung pag-e-explain.”
HOT STORIES
pmrsc.com
Read Next
Be First to Comment