Press "Enter" to skip to content

Cindy Miranda at Sunshine Guimary, nagkasakitan sa matinding fight scene?

Humingi ng paumanhin si Cindy Miranda kay Sunshine Guimary dahil nagkasakitan sila sa kanilang intense fight scene sa House Tour, ang sexy action-thriller movie ng Viva Films na mag-uumpisa ang streaming sa Vivamax sa October 22, 2021.

Ginawa ni Cindy ang paghingi kay Sunshine ng paumanhin sa virtual media conference ng kanilang pelikula na naganap kahapon, October 16, 2021.

“Before mag-start [ang shooting] ng eksena, I said sorry na agad to Sunshine kasi kilalang-kilala ko yung sarili ko. Mabigat talaga yung kamay ko.

“I told Sunshine, pasensya na talaga kung masaktan kita kahit hindi ko intensyon kasi may tao talaga na mabigat ang kamay.

“Saka kapag nasa eksena ako, nawawala ako sa sarili ko. In the zone ako palagi, so inunahan ko na si Sunshine.

“I’m not sure kung nasaktan ko talaga siya, pero I remember saying sorry.

“Ginawa namin yun na makatotohanan pero sana hindi kami na magkasakitan. Game na game din kasi si Sunshine sa lahat ng bagay. To her, feeling ko wala lang din iyon. Mas gusto niya siguro na masaktan.

“And I hope hindi ko nasaktan si Sunshine and if ever, Sunshine, sorry ulit but she was really good sa fight scene,” ang madiplomasyang paghingi ni Cindy ng paumanhin sa kanyang co-star.

Hindi itinanggi ni Sunshine na nagkasakitan sila ni Cindy sa kanilang makatotohanang fight scene para sa House Tour at ayon sa kanya, parte raw iyon ng trabaho nila.

“Hindi siya maiiwasan, e. Kahit sino pang aktor na gagawa ng scene na yun, hindi talaga maiiwasan na hindi magkasakitan kasi fight scene nga yung mangyayari.

“May mga galos ako sa skin pero part yun ng work so for me, it’s nothing at all. Naka-panty at bra lang ako tapos bukid yung location—putikan, burol, awayan.

“Hindi talaga maiiwasan na magkasugat-sugat, magkasakitan. For me it’s nothing, wala naman isyu at all,” ang reaksyon ni Sunshine sa paghingi ni Cindy ng paumanhin sa kanya.

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *