Press "Enter" to skip to content

Cricket ramen, anyone? Specialty ito ng isang restaurant sa Japan

Patok sa panlasa ng mga Pinoy ang ramen, na siyang sikat na pagkain sa Japan.

Ang ramen ay karaniwang binubuo ng noodles, soup, egg, vegetables, at meat—na maaring chicken, pork, seafood, o beef.

Pero kakaiba ang ramen specialty na isine-serve ng Antcicada restaurant sa Nihonbashi, Tokyo.

Ang specialty ramen noodles na ipinagmamalaki nila ay ang koorogi ramen o cricket ramen.

Sa unang tingin, mukhang ordinaryong ramen bowl ito. Pero kung titingnang mabuti, may isa o dalawang toasted cricket sa bowl.

Sabi ng may-ari ng restaurant na si Yuta Shinohara, ang isang bowl ay may katumbas na 160 crickets, mula sa noodles, broth, at seasonings nito.

Naitampok ang Antcicada restaurant sa episode ng iJuander noong September 26, 2021.

Nang ihapag ang cricket ramen bowl sa isang customer, ipinaliwanag ni Yuta ang composition ng isang order.

“So, we make soup from two kinds of crickets. We make cricket soy sauce, cricket oil, and cricket noodles.

“So, all parts of this ramen is made [from] crickets. [Around] 160 crickets in one bowl.”

Ayon naman sa tumikim ng tostadong cricket na nasa ibabaw ng bowl, malutong daw ito at masarap. Inihalintulad niya ito sa pagkain ng ulo ng hipon.

Sa isang article sa todayonline.com noong May 25, 2020, naitampok ang kakaibang menu ni Yuta na ang main ingredients ay crickets.

Sa pinapakuluang malaking kaldero ni Yuta, libu-libong dried crickets ang inilalagay bilang soup base.

“In this pan, we have 10,000 crickets, making stock for 100 bowls,” aniya.

Ang amoy ay wala raw pinagkaiba sa ibang ramen restaurants sa Japan.

Ibinahagi rin sa artikulo na hindi professional chef si Yuta, at inilalarawan ang sarili bilang isang “earth boy.”

Bata pa lamang kasi ay mahilig nang maglaro sa mga mahalamang lugar si Yuta at nanghuhuli ng mga insekto.

Ang pagiging nature lover niya ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon para makalikha ng insect-based food.

“I want to introduce the joy of insect eating, so that insects will be respected equally to animals and plants,” quoted siya ng AFP.

Noong nakaraang taon ng Abril unang pinlano ni Yuta na buksan ang kanyang restaurant, pero naging hamon ang pandemya.

Kaya nagbenta muna siya online ng cricket ramen pack na ready-to-cook. Pumatok naman ito kaya kalaunan ay naitayo niya ang kanyang resto.

Inilarawan naman ng kanyang mga clients na may “unique flavor” ang lasa ng cricket ramen, pero masarap ito.

Sa Instagram account ng Antcicada, makikitang patuloy ang grupo ni Yuta sa pag-develop ng iba pang recipes na gawa sa crickets.

Makikita rito ang pag-aalaga nila ng insects at pagpe-ferment ng crickets na ginagamit sa pagbuo ng mga sangkap ng kanilang specialty ramen.

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *