Makabuluhan pa rin ang Viva movie ni Direk Brillante Mendoza na Sisid, bagamat ang sensibility ng istorya nito ay nakaangkla sa pag-iibigan ng dalawang lalaki.
Paano nagsimula ang BL (boys’ love) project na ito, na tampok sina Paolo Gumabao, Vince Rillon, Kylie Verzosa, at Christine Bermas? Bakit niya naisipang gawin ito?
“Tinanong ako ng Viva kung ano yung puwedeng project na i-pitch ko sa kanila na may pagka-audience friendly,” kuwento ni Direk Brillante sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Oktubre 23, Biyernes ng hapon, via Zoom.
“Ibig sabihin, meron kasing market, of course, ang Vivamax… meron silang market na targeted na alam naman natin na ngayon, ito yung mga uso, ito yung mga hinahanap.
“Pero ang hiningi ko kasi sa kanila, although gagawa ako ng ganitong project, ang hiningi ko sa kanila… sana bigyan din nila ako ng opportunity na makakagawa rin ako ng Director’s Cut ng lahat ng mga ginagawa ko.
“Kasi siyempre, there’s a certain market na you need to address with this kind of genre film, ‘no? At the same time, ayoko din namang mawala yung ano ko, yung parang gusto kong gawin.
“And then, in terms of story naman, parang… ahh… challenging din sa akin kasi na gumawa ng ganitong klaseng film, na although to most, pag sinabi nating BL, ang palagi nilang iniisip, e, ‘Ahh, male genitalia, exposure, nudity.’ Ganun, ‘no?
“Ito naman, pinaghirapan talaga namin na meron talaga siyang kuwento, at marami ring mapupulot na aral. Marami tayong malalamang bago tungkol sa relationship, and it’s not just lust, ‘no?
“It’s a story of love, especially actually, ito ay parang… yung love na totoong pagmamahal. Totoong pagmamahal ng babae sa lalaki, at totoong pagmamahal ng lalaki sa kapwa lalaki that are being expressed in different ways…
“Although yung kuwento, tungkol sa BL, I made it a point na hindi ko talaga tinanggal yung issues about the environment.
“Kumbaga, ayoko lang yung gumagawa ng just for the sake of ano lang, gagawa ka ng ganitong istorya na wala siyang kinalaman sa society, sa environment, or sa mga isyu, ‘no?
“Dito, it’s about the environment, it’s about mining also, it’s about protected areas, and in-associate ko rin siya sa relationships ng mga tao, ‘no? What went through when you’re trying to protect a relationship, when you’re trying to protect someone.
“And then, at the end of the day, yung parang… katulad dito, ahhmm, yung karakter ni Kylie. So, may mga bagay na beyond our control, ‘no? Na Nature na ang nagde-decide, OK?
“So, may mga ganung factor akong in-associate dito, hindi lang yung parang love story lang siya.”
PAOLO AND VINCE
Bakit sina Paolo at Vince ang pinagtambal ni Direk Brillante sa pelikulang Sisid?
“Marami akong magagandang narinig kay Paolo doon sa Lockdown, kasi yung writer ko sa Ma’ Rosa na si Troy Espiritu ay siya ring writer nila dun,” sambit ng multi-awarded director.
“E, ako kasi, sobrang nae-excite ako sa mga talent, at sa mga artista, lalo na kapag bago, na sobrang interesado sila sa ginagawa nila. Hindi feeling-artista. Kumbaga, focused.
“Katulad ni Vince, ang sarap bigyan ng chance. Ang sarap bigyan ng opportunity.
“Kasi, kung mamulat sila sa tamang attitude sa paggawa ng trabaho, paggawa ng pelikula… hindi ka lang nakakatulong sa career nila kundi nakakatulong ka rin sa pagkatao nila. Saka yung attitude nila towards work, ‘no?
“And si Paolo did not fail me. Kasi, sobrang interesado siya, sobrang focused siya. Ako, pag ganun, gusto ko kasing tinutulungan yung mga taong ganun.”
INTIMATE SCENES BETWEEN TWO MEN
Paano niya in-execute ang intimate scenes ng dalawang lalaki? Malaki ba ang kaibahan niyon sa love scene ng lalaki at babae?
“Hindi ko kasi binibigyan ng big deal yun. Parang… ang mga love scene sa akin, is just like directing any other scene sa film,” paliwanag ni Direk Brillante.
“Like, you know, how you would direct a drama scene. Ang approach ko kasi, realistic, ‘no? Like when I’m doing for instance yung mga love scenes ng mga straight, ng male and female, ‘no?
“Di ko rin binibigyan ng big deal yun. Kasi, I think, it’s how you approach it, ‘no? And I think it’s how the actors would take it.
“Like for instance, ‘no, ba’t mo siya bibigyan ng big deal just because they are two males, or just because they are parang… making love? Isn’t that part of life? Hindi ba part ‘yan ng buhay natin? Hindi ba part ‘yan ng pagkatao natin?
“And kapag pini-film siya, just because there’s nudity and… sa atin kasi, sobrang ano ang nudity. Kaya nagkakaroon ng malisya because bini-big deal siya, plus binibigyan siya ng malisya just because there are two males, or two persons are both naked.
“When in fact, ba’t mo siya titingnan sa ganung aspeto? E, you are doing a film, you are recreating life on big screen. So, yun lang, kaya yung approach ko, simple.”
Patuloy niya, “Sabi ko sa kanila, ‘O, gay kayo, ha? Have you seen ano, alam niyo ba kung ano ang gay?’ Alam nila.
“So, may mga workshops kami, may mga usapan kaming mga… alam mo yun, para ma-expose din sila sa mundo ng ano. So, ganito. Paghalik, itinuro ko sa kanila.
“Ang gay, hindi iyan iba sa lalaki, o sa babae kapag humalik. So, kapag humalik, kapag mahal mo yung tao… alam niyo kung paano kayo humalik sa tao!” natatawang saad ni Direk Brillante.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Na mahal niyo! And I’m sure, at one point in time in your life, nakahalik na rin kayo ng mga taong hindi niyo gaano kamahal. O, so, at least you know the difference, di ba?
“So, sa kanila, klaro naman yung mga ganun, sa mga artista. So, normal na ginagawa. Pag sinasabi ko, ‘Maghubad na kayo,’ naghuhubad na sila. ‘O, dito, maghalikan kayo.’
“Minsan, may mga comments lang ako na ganun, ‘O, ibuka mo yung bibig mo,’ something like that, make it cinematic.
“Sometimes kasi, when you make it too realistic naman, they look too… parang hindi sila magandang tingnan, ‘no? Kahit papaano, dapat maganda ring tingnan yung mga hitsura nila, because at the end of the day, a BL movie is a BL movie.”
HOT STORIES
SHAPING COCO MARTIN
Hinubog ni Direk Brillante ang kahusayan ni Coco Martin sa indie movies. Na-envision ba niya na magiging napakalaking artista ni Coco?
“Hindi ganito kalaki the way he is right now. Pero hindi imposibleng mangyari, kasi he has good attitude. Maganda yung ugali niya,” pahayag ni Direk Brillante.
Sa mga nahawakan niyang artista, may nakita na ba siyang susunod sa mga yapak ni Coco?
Napangiti si Direk Brillante, “Ang hirap! Parang ang hirap! Siguro, hindi katulad ni Coco Martin, ‘no?
“Siguro, ibang path, halimbawang sisikat sila, baka hindi katulad nung kay Coco. Because Coco now is more of like a producer, director than… alam mo yun?
“Parang secondary na yung kanyang… of course, nandidiyan siya dahil artista siya, ‘no? Pero parang mas producer-director siya ngayon…
“Kasi nga, katulad ko, I keep on repeating yung good attitude towards work.
“Naniniwala kasi ako, kahit sino naman sa kanila, kina Vince, ‘yan, kina Paolo, sa mga bagong artistang naha-handle ko ngayon… hindi malayo na… alam mo yun?
“Kanina nga, nagwo-workshop ako. Parang… sinabi ko, easily libu-libo na yung mga batang gustong mag-artista and most of them have good looks, they have talents, and they are willing to do anything, OK, para sumikat.
“Anything. So, maraming subtext yun, ‘no? Ngayon, ang ano lang dito, magkakaiba lang dito, sa attitude towards work.
“Magkakaiba lang dito, at the end of the day, mangingibabaw kasi yung ugali, ‘no?
“Kasi, meron diyan na may talent talaga. Magagaling talaga sila, di ba? No question, no doubt about it. But do they have the right attitude? Do they have good attitude towards work?
“Or as a person, yun lang. So, hindi lang importante dito yung talent, importante din yung attitude, but at the same time, it’s the people whom you know.
“Kasi, lahat ‘yan, e. Hindi puwedeng isa lang. Hindi puwedeng talent lang. Hindi puwedeng gandang lalaki lang. Hindi puwede yung kakabit ka lang. Or hindi puwede yung parang… makikiano ka lang para sumikat ka.
“So, marami. And if you’re really asking me, there are people who are really destined, you know. Minsan, nasa destiny talaga yan, e.”
EXPERIENCE MATTERS
Nakakatulong ba kung ang isang artista ay marami nang pinagdaanan sa buhay? Paano niya mino-motivate ang artista na hindi agad makapag-deliver ng hinihingi niya sa eksena?
“Actually, it also helps, ‘no? It helps na merong experience, ‘no? Halimbawa lang, ‘yang si Vince, dahil marami siyang experience sa mga ordinaryong tao,” salaysay ni Direk Brillante.
“Dahil hindi naman talaga siya lumaki sa isang village o sa isang subdivision. So, exposed siya sa mga tao. So, it helps, ‘no?
“Pero dahil foreign sa kanya yung role niya sa Sisid, hindi naman siya bading, ‘no? Marami rin siyang mga eksena dito na hindi agad nakukuha, at maraming beses ko rin siyang napagalitan.
“Dahil minsan, siyempre, I’m sure hindi rin madali para sa kanila yun, ‘no? Na yung mga gustong mangyari…
“Kaya lang, of course, I have this rule kasi sa shoot at sa buhay ko, ‘no? Ang rule ko kasi, hindi mo makukuha ang lahat ng gusto mo sa buhay mo, e. Ha! Ha! Ha!
“Parang sa trabaho, ganun. Kapag nakakuha ka ng isang maganda, dalawang maganda, meron ka nang 70 percent, OK na yun. OK na ako dun.
“Kasi, it won’t ruin the film anyway. Kasi, unang-una, there’s no such thing as perfect film. There’s no such thing as perfect performance.
“So, you can’t get 100 percent from your actors. But if you see them trying, and if you see them working, and at some point naman, nakapag-deliver na sila, OK na yun kung sa ibang mga eksena ay hindi nila na-deliver yung gusto mo.
“So, hindi ko na ini-stress ang sarili ko na ganun.”
RELATED STORIES
pmrsc.com
Be First to Comment