Press "Enter" to skip to content

Ellen Adarna hits back at basher who said she and Derek Ramsay will eventually split

Binuweltahan ni Ellen Adarna ang isang bsher na nagkomentong maghihiwalay rin ang sexy actress at ang fiancé nitong si Derek Ramsay.

Sa kanyang Instagram noong October 13, ibinahagi ni Ellen ang prenup video nila ni Derek.

Tanging caption niya rito: “teaser.”

Ang nasabing video ay mayroon nang lagpas one million views at 2,600 comments.

Sa dami ng nagkomento rito, napansin ni Ellen ang sinabi sa kanya ng isang basher.

Komento ng basher: “Based on my judgment po ha, maghihiwalay din ito after a few years. But hoping na mali yung judgment ko.”

Gigil naman si Ellen sa kanyang sagot sa basher.

Binalikan niya ang basher at sinabihan itong mamamatay ilang taon mula ngayon, base sa kanyang judgment

Buong komento ni Ellen: “Based on my judgement po din ha, mamatay ka rin a few years. But hoping na mali ang judgment ko.”

Hindi na sumagot ang basher sa komento ng dating TV5 star.

Nagtawanan naman ang lahat ng sumagot sa komento ng basher.

Sabi pa ng isang commenter, “Savage.”

Sagot ni Ellen sa kanya, “Based on my judgement so will you. Charaught!”

Buwelta naman ni Derek sa basher: “Wrong move.”

Malapit nang ikasal sina Ellen at Derek base sa mga imbitasyong ipinadala nila sa kanilang piling mga bisita.

Sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) unang umamin ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon noong February 26.

Mabilis nagka-develop-an ang dalawa na nagsimula sa isang friendly dinner sa bahay ni Derek sa Ayala, Alabang noong January 2021.

March 30, 2021 inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *