Press "Enter" to skip to content

FPJ’s Ang Probinsyano, umaariba sa Vietnam; Sharon Cuneta, papasok sa serye?

JERRY OLEA

Ipapalabas na ang ikalawang season ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Vietnam.

Mapapanood ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kuwento ni Cardo Dalisay (Coco Martin) simula Oktubre 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.

Sa nakalipas na anim na taon ng serye, dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa.

Maliban sa Vietnam, natutunghayan ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel, at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng kasalukuyang season nito, nagkakagulo na ang mga kaaway ni Cardo.

Nag-uumpisa nang planuhin ni Arturo (Tirso Cruz III) kung paano niya maiisahan ang boss niyang si Lily (Lorna Tolentino) at ang makapangyarihang si Renato (John Arcilla).

Problemado si Lily dahil ayaw siyang tulungan ni Arturo pagkatapos mahuli ang kasosyo niyang si Lito (Richard Gutierrez) ng grupong Black Ops na pinamumunuan ni Albert (Geoff Eigenmann).

Malaking problema rin ang hinaharap ni Renato dahil bukod sa pagkakapaslang ng malapit niyang tauhan, nabuntis din ng impostor na presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) ang sekretarya nito.

Sa oras na malaman ito ng publiko, magiging malaking iskandalo ang balita na maaaring makasira sa pagkakandidato ni Renato sa paparating na halalan.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at WeTV.

GORGY RULA

Papasok na tayo sa 2022, magpapalit na rin ng administrasyon. Sana, makakuha na ng franchise ang Kapamilya network.

Para meron na talaga silang sariling istasyon kunsaan napapanood sa free TV ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang iba pa nilang programa.

May iba pa silang magaganda drama series na mas maganda kung mas malawak ang reach ng kanilang network.

NOEL FERRER

The good thing lang is… with or without franchise, nananatiling malakas sa online at top of mind pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa mga kababayan natin!

Teka, matutuloy ba ang ating Megastar Sharon Cuneta sa pagpasok sa teleseryeng ito?

Maganda ito for visibility rin, lalo pa’t napakahirap umikot sa buong Pilipinas para makapagkampanya sa kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

Dito na puwedeng ibuhos ni Shawie ang kanyang efforts!!!

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *