Press "Enter" to skip to content

JC Tiuseco proud to be a solid Kapuso: “Hindi ako naghanap ng ibang network ever since”

Halos 14 years nang lumalabas sa GMA-7 si JC Tiuseco, na sumikat sa telebisyon noong nanalo sa first season of Survivor Philippines noong 2008.

Masasabing isa siyang solid Kapuso.

Kuwento ni JC sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) via email noong October 13, 2021, “I stayed in GMA network, and hindi ako naghanap ng ibang network ever since, because homegrown ako sa GMA.

“Dito ako nagsimula and I value loyalty.”

“Wala naman time na naisipan ko na lumipat ng network since pag may nagtatanong sa akin, lagi kong sinasabi na I’m a GMA artist.”

Pero naiintindihan niya ang mga bagong lipat na artista.

“I admire them kasi alam naman natin na mahirap din mag-adjust pag lumipat ng network, but we all have to adjust sa situation ngayon.”

Sino sa mga bagong Kapuso ang nais niyang makatrabaho?

“I wanna work with Bea Alonzo rin because nakita ko na she’s very nice, humble, down-to-earth and magaling na artista.”

JC ON GETTING VACCINATED: “PARA SA MGA MAHAL NATIN SA BUHAY”

Paglalahad ni JC, unang lock-in taping niya ang Magpakailanman (MPK) simula noong mag-umpisa ang pandemya.

May pros and cons daw ang lock-in taping.

Aniya, “For me ang advantage is mas feeling safe kami from the virus since lahat ng tao nagpa-swab before going into the taping and mas maaga natapos ang taping than usual.

“The disadvantage naman is mas matagal ang quarantine, but it’s okay naman para mas safe tayo lahat.”

Ganunpaman, pabor siya sa sistema ng lock-in taping kahit matapos na ang pandemya.

“In favor naman ako sa lock-in taping basta mas umikli pa sana ang mga quarantine.”

Binanggit din ni JC na siya ay “fully vaccinated ng Sinovac,” at nagbigay ito ng mensahe sa mga ayaw o natatakot magpabakuna.

Sabi ng Kapuso actor, “Ang message ko sa mga natatakot magpabakuna is to just try it para sa mga mahal natin sa buhay, lalo na if may mga kasama tayong senior and kids sa bahay, para lahat tayo protected and lesser chance to acquire the virus.”

Samantala, nakakarelate si JC Tiuseco sa role niyang si Gary sa brand-new episode ng MPK na “Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story,” na pinagbibidahan ni Yasmien Kurdi.

Aniya, “My character in MPK is the boyfriend of Yasmien na nakabuntis sa kanya, but naghiwalay sila since hindi pa ready si Gary to have a baby.

“Medyo malapit din ang character sa akin since I also had a baby first before kami nagpakasal ng wife ko.

“Although unlike Gary, mas excited ako magka-baby nun. Hahaha!”

Ikinasal sina JC at ang kanyang non-showbiz wife noong 2015, at may apat silang anak na babae: six-year-old Nikola, four-year-old Irie, at ang two-year-old twins na sina Natalie at Eliana.

Ipapalabas ngayong Sabado, October 16, 8:15 pm ang part 2 ng bagong episode ng Magpakailanman na pinamagatang “Rebeldeng Anak, Ulirang Ina: The Elaine Carriedo-Lozano Story.”

Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr., sa panulat ni Benson Logronio at pananaliksik ni Georis Cielo Tuca, bukod kay JC (as Gary) at Yasmien (as Elaine) ay mapapanood rin Magpakailanman episode sina Marlon Mance as Jackie at Gilleth Sandico as Cynthia, including Pancho Magno, Jerrick Dolormente, Vanessa Pena and Allen Ansay.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *