Press "Enter" to skip to content

Jennica Garcia admits she and husband Alwyn Uytingo are fixing their marriage

“Alwyn and I are working on our marriage.”

Ito ang pag-amin ni Jennica Garcia, 31, tungkol sa estado ng relasyon nila ng asawang si Alwyn Uytingco, 33.

Ito ay makalipas ang anim na buwan mula nang maging publiko ang hiwalayan nila.

Mula noon ay sinusubaybayan na ang magiging kaganapan sa pagitan nilang dalawa.

Lumipat na si Jennica ng tirahan at nagbenta na rin ng ilang kagamitan nila.

Nang magpahayag naman si Alwyn ng intensiyong muling mabuo ang pamilya niya, si Jennica ay nanatiling tahimik lang.

Pero ngayon, may ilang sightings na magkasama sila na wari’y nagbalikan na.

Sa online mediacon ng Las Hermanas, ang comeback teleserye ni Jennica sa GMA-7 na magsisimulang mapanood sa October 25, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung nasa moving-on stage na ba siya o reconciliation.

Dito kinumpirma ng aktres na nasa proseso sila ni Alwyn ng pagbabalikan.

Dugtong pa niya, “We are looking into the Lord for breakthrough. So, yun po.”

ON KEEPING THINGS LOW-KEY

Pero nang linawin namin kung nagsasama na silang muli sa isang bubong, marespetong tumanggi si Jennica na magdetalye pa.

“Yun na lang muna po,” pakiusap ni Jennica.

Mukhang nagka-trauma ito sa mga banat o batikos na nababasa niya mula sa netizens.

Sabi kasi niya, “Kinakabahan po kasi ako kapag nakikita ko kami sa social media na napag-uusapan.

“As much as I’d like to say that I don’t really care about what other people say, I think in my entire life, ito yung moment sa buhay ko na I’m not really in my best mental state.

“Kaya po I try to keep my answer short. Pasensiya na po kayo.”

JENNICA’S COMEBACK PROJECT

Sa isang banda, ang Las Hermanas ang comeback serye niya matapos ang ilang taong madalang lang siyang lumabas sa telebisyon.

Dumating ang proyekto noong panahong naghiwalay sila ni Alwyn.

Inamin ni Jennica na nahirapan siyang umarte muli dahil pitong taon siyang tumigil sa pag-arte.

Ayon kay Jennica: “Ito kasi yung pinakaunang kontrabida role po na naibigay sa akin.

“Hindi ko alam, I’m really hoping to get one before when I was actively doing work for GMA. But for some reason, kahit sabihin namin, parang hindi ganung roles ang naibibigay.

“So ito, masayang-masaya ako na tanggapin siya, but I have to be honest, nahirapan po akong talaga.”

Nanibago rin si Jennica na gumanap na isang kontrabida.

Patuloy niya, “Nahirapan ako kasi bago siya sa akin. Dito ko nalaman na napakahirap palang maging isang kontrabida kumpara sa role na parang api ka or ikaw yung underdog.

“Kasi, mabigat yung emotion na kailangang dalhin, and at the same time, yung role ko po kasi is very different from my real personality.

“Siyempre, when we do a new character, we want to offer something new pero hindi maiiwasan na lumalabas pa rin yung tunay na ikaw, right?”

FAR FROM HER PERSONALITY IN REAL LIFE

Sa totoong buhay, tila napakamalumanay ni Jennica, at kabaliktaran daw iyon ng karakter niya sa serye.

“Very loud po kasi siya na babae,” sabi niya.

Pero inspirado si Jennica na magtrabaho nang husto.

Aniya, “Pero ang iniisip ko na lang po, kailangan ko talagang paghusayan para makita rin ng mga viewers natin kung ano ang aral if you have that kind of attitude toward others or if you have that personality.

“Kasi minsan, di ba, kapag madali tayong magmata ng ibang tao, mas lalong hindi natin namamalayan na tayo sa sarili natin, ganun din tayo.

“So, sana marami po silang aral na matutunan.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *