Press "Enter" to skip to content

John Arcilla clarifies real reason why he did not attend 78th Venice Film Festival

Noong September 11, 2021, nagwagi si John Arcilla ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice Film Festival.

Ito ay para sa kanyang mahusay na pagganap bilang isang corrupt journalist sa On The Job: The Missing 8 ng Reality MM Studios at Globe Studios.

Nakatulong ito para kahit papaano ay mabawasan ang kalungkutan niya dahil marami sa mga taong malapit sa kanyang puso ang binawian ng buhay sa panahon ng coronavirus pandemic.

“Sa pamilya ko, tatlo ang namatay—ang father ko, si Dominador Arcilla, my brother Emmanuel Arcilla, and my sister, Maria Teresa Arcilla.

“Sa cousins and friends ko, about ten ang namatay sa loob ng isang taon within the pandemic,” saad ni John.

Napakasakit mawalan ng mga mahal sa buhay.

Pero ramdam ni John ang mensaheng nais iparating sa kanya ng Panginoong Diyos nang manalo siya ng international acting award sa gitna ng matindi niyang kalungkutan.

Ani John, “Na talagang sa buhay may masakit, pero meron din katapat na lunas at tagumpay.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John ngayong Miyerkules, September 15.

WHY JOHN DIDN’T FLY TO VENICE

Dito itinanggi ng respetadong aktor ang maling haka-haka na hindi niya pinuntahan ang 78th Venice Film Festival dahil hindi siya makaalis sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Ilocos Sur.

Ang totoo ay pumayag ang production management ng FPJ’s Ang Probinsyano na pumunta siya sa Venice, Italy.

Pero nangibabaw ang desisyon ni John na huwag umalis ng bansa.

Paglilinaw ni John: “Pinayagan nila akong umalis. Wala naman ako sakit at fully vaccinated…

“Parang hindi lang matanggap ng katawan at ng isip ko ang 14-day quarantine sa hotel na mag-isa kaya hindi na ako tumuloy.

“Vicki Belo and I was actually talking about her ten-day hotel quarantine experience. Sobrang worst ang sabi niya kaya kinabahan ako.”

Pinag-isipan niya nang mabuti ang kanyang desisyon, at lumabas na prayoridad niya ang kanyang kalusugan.

“My physician also told me na, ‘Huwag na kasi napaka-delicate ng corona variants ngayon.

“https://pmrsc.com/”You can always give honor to the Philippines in some other time. Our health is much important.’ So I took it as another sign.”

Nakaramdam ba siya ng panghihinayang na hindi siya nakadalo sa 78th Venice Film Festival?

Matalinhagang sagot ni John: “May pumapasok sa isip ko na sobrang panghihinayang, pero tinatanggal ko dahil may paniniwala rin kasi ako na God puts you in a perfect place wherever you are right now.

“Naalala ko, September 11 din nung binomba ang Twin Towers sa New York noong 2001.

“Isang cousin ko ang hindi nakapasok sa boarder ng New York. Ang dami-daming mga hinihinging papeles and that made her stay longer sa Immigration.

“Her work is right under the building of the Twin Towers kaya nung bumagsak ito, wala siya sa exact location and her life was spared.

“When things are not favoring my side, I feel it was a cue not to insist.”

Nakadalo sa festival ang director at co-writer na si Erik Matti, co-producer na si Dondon Monteverde, at isa sa lead actors na si Dennis Trillo.

HOT STORIES

ON CLAIMING THAT HE WOULD WIN THE VOLPI CUP

Hindi man niya personal natanggap ang Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice Film Festival, lubos ang pasasalamat ni John dahil katuparan daw ito ng kanyang hiling.

September 11 (Italy time) nang maganap ang awarding ceremony ng film festival sa Venice.

September 12 sa Pilipinas nang personal na malaman ni John ang kanyang pagkapanalo.

“Mga 2 a.m., nag-ring ang cell phone ko. It was announced already,” ani John.

Malayo pa ang film festival ay may pakiramdam na raw si John na makukuha niya ang Volpi Cup for Best Actor.

Kuwento pa ni John sa PEP.ph: “But a month ahead pa, as soon as Venice Film Festival organizers confirmed to us na part ng Main Competition ang On The Job: The Missing 8, isinulat ko na ang acceptance speech ko.

“Pero wala ako pinagsabihan tapos mine-memorize ko na sa mind ko every night.

“But then, nung malaman ko na hindi kami makakakuha ng clearance for a shorter quarantine sa hotel upon arriving back here sa Philippines, I declined to go dahil hindi ko kaya ang 14 days na quarantine.

“Kinalimutan ko na ang speech.”

Pero noong September 10 (Italy time), bigla na lang daw siyang tinawagan ni Erik Matti para hingan ng speech.

Marahil ay dahil positibo ang feedback sa pelikulang On The Job: The Missing 8 matapos itong mag-world premiere sa festival noong araw na iyon.

“It was only a day before the awards night when Erik told me to ‘Make one speech, just in case, kasi wala ka dito.’

“Saka ko lang ulit nirepaso ang speech. And I feel it’s more, like, I’m editing while trying to shorten it to three minutes than namnamin yung message.

“The length of the speech was actually 9 minutes when I first recorded it.”

Sinabayan ito ni John nang pag-post sa Instagram post na sana ay matulad siya sa ibang Hollywood actors na naparangalan ng Volpi Cup.

At nagkatotoo nga ang hiling ni John.

Ano ang unang reaksiyon niya nang makarating sa kanya ang balitang nanalo siyang best actor?

Masayang bulalas ni John: “Sobrang if I will put it into words, gusto kong lumundag lampas langit!”

JOHN CREDITS CO-STARS AND TEAM BEHIND ON THE JOB 2

Maraming tao ang gustong alayan ni John ng international acting award na kanyang natanggap, kaya sinamantala niya ang pagkakataong pasalamatan ang lahat nang makapanayam siya ng PEP.ph.

“Sinasabi ko nga lagi, lahat naman kayo inspirasyon ko, so para ito sa lahat. Mabuhay!

“Pero kung iisa-isahin ang lahat ng inaalayan ko, una ay yung family members ko who left us within this pandemic.

“My father Dominador, my brother Emmanuel, and sister Maria Teresa Arcilla dahil sila yung mga una kong influence sa work ko. They were also my biggest fans.

“Pero may mga hindi ako napasalamatan sa pagmamadali ko so I wanna take this opportunity to mention them in your write-up.

“Thank you sa lahat ng cast and crew ng On The Job: The Missing 8, kay Tito Dante Rivero, Boyet de Leon, Lotlot de Leon, and most specially kay Dennis Trillo who attended the event.

“Thank you din kay Quark Henares and Globe Studios who co-produced the movie and yung mga Anak ng Heneral group at Lunabears.”

Trivia: 1994 nang unang mainterbyu ng writer na ito si John Arcilla, pero hindi pa siya nagbibida sa mga pelikula.

Sikat na sikat noon ang “Coffee na lang, dear” television commercial ni John kaya ipinahanap siya sa amin ng People’s Tonight managing editor na si Fred Marquez para makilala siya nang husto ng publiko.

Nagkita at nangyari ang pag-uusap namin ni John sa isang branch ng Jollibee sa Parañaque City. Dala niya ang kanyang model comp card para magamit sa article na aming isusulat tungkol sa kanya.

Hanggang ngayon, nasa pag-iingat pa namin ang model comp card ni John, na malayung-malayo na ang narating bilang aktor.

Twenty-seven years later, muli naming nakausap si John dahil sa kanyang tagumpay sa 78th Venice Film Festival.

Ipinaalaala namin kay John ang aming unang interbyu sa kanya noong 1994.

Pero una kaming nagkita sa personal sa screening ng Binibining Pilipinas sa Manila Diamond Hotel noong March 1993 nang samahan niya ang kanyang former girlfriend na si Zara, na sumali sa nasabing beauty pageant na naging maingay at kontrobersiyal dahil sa partisipasyon nina Dindi Gallardo at Ruffa Gutierrez.

HOT STORIES

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *