Isang linggo matapos maging opisyal na Kapuso, ano ang impression ni si Kuya Kim Atienza sa bago niyang tahanan?
Aniya, “Sa bago kong mundo, damang-dama ko, yung pangalan ng kumpanya namin, yung motto ng pagiging Kapuso, talagang damang-dama mo. Mabait ang lahat ng tao rito at lahat ng nakakausap ko, lahat ng tumutulong sa akin sa pagpasok ko rito, damang-dama ko, genuine care and genuine na pagiging mabait.”
Lalo raw niyang naramdaman ang pagiging ganap na Kapuso nang una siyang pumasok sa studio ng 24 Oras, kung saan anchor sina Mike Enriquez, Mel Tiangco, at Vicky Morales.
Lahad niya, “…Pagpasok ko ng studio ng 24 Oras, kakaiba, ang laki ng studio. Mas malaki ang studio ng 24 sa luma kong studio.
“Hanggang sa makita ko na si Mike, nakita ko na si Tita Mel, ang kaibigan kong si Vicky nando’n. That’s the time na na-feel ko na talagang ito na, Kapuso na talaga ako.
“At marami pang experience.”
Sa ngayon, punung-puno raw ang schedule niya ng guesting niya sa iba’t-ibang shows ng GMA News and Public Affairs.
Nag-guest na rin daw siya sa AHA, kung saan host si Drew Arellano.
“’Yung AHA ni Drew, yun ang kalaban ng Matanglawin, e. Habang nagte-taping ako ng AHA, sabi ko, parang panaginip talaga lahat ito. Nandito ko sa AHA, ito ang kalaban namin dati, ‘tapos guest ako sa AHA.”
Masaya si Kuya Kim sa kanyang bagong tahanan.
“You know, life is like a box of chocolates. You’ll never know what to expect at gano’n ang nangyayari sa buhay ko ngayon.
“I’m always so excited and I’m so thankful to God na in the midst of the pandemic, all these beautiful things is happening at the same time.
“Blessed,” lahad niya.
LEARNING FROM HIS CO-anchors
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kuya Kim sa ginanap na online mediacon para sa isa sa mga programang ginagawa niya bilang Kapuso, ang Dapat Alam Mo!, ng GTV.
Nagsimula ito noong October 18, 2021, at mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes at 5 p.m.
Kasama ni Kuya Kim dito sina Emil Sumangil na kilalang news reporter at ang actress na si Patricia Tumulak.
Bilang batikan sa industriya, ano ang payo na maibibigay niya kina Emil at Patricia?
Sabi naman niya, “Bago ako magbigay ng advice, gusto ko munang sabihin kung ano ang matututunan ko. Marami akong matutunan dito sa dalawa.
“When you start thinking that you know everything, that’s the beginning of your downfall.”
Ang boses ni Emil ang unang napansin ni Kuya Kim. Aniya, “Kay Emil, ang matututunan ko rito, ang tamang paggamit ng boses. Ang galing gumamit ng boses, napakahusay.”
At saka niya sinabing, “Kaya pala umiinom ng lambanog. Palaging may dalang lambanog.”
Pero itinama ito ni Emil na salabat at hindi raw lambanog ang kanyang iniinom.
Natawang sabi ni Kuya Kim, “Ay sorry!
“Sabi ko, ‘Ano ba ang mga iniinom ng Mamang ‘to?’ Ano pala, nasa dressing room pa lang, umiinom na ng kung anu-anong mga bagay-bagay.
“Sabi ko, ‘Maingat sa boses ang Mamang ito. Papanoorin ko ito mamaya habang nagbabasa, maingat, e.’
“At nang magsimula na ang rehearsal, nakita ko kung bakit. Inaalagaan niyang mabuti ang boses niya at yun ang kanyang pagkakakitaan at paraan ng paglabas ng kanyang passion, ang kanyang boses.
“So, that’s one thing I can learn.”
Kay Patricia naman daw, “Ang puwede kong matutunan, the lightness of being and magaan. Minsan kasi in my desire to be task-oriented, to be good, I forget about lightness.
“E, si Patricia, you can learn that at puwede rin siyang magbigay ng beauty tips, kung paano mag-make-up nang maayos, basta magaan iyang si Patricia.”
Pag dating naman sa advice para kina Emil at Patricia, malaking bagay para kay Kuya Kim ang pagiging “passionate about the purpose,”
Saad niya, “What [is] the purpose ba? Why are doing this? If we’re doing it for ourselves and for fame, hindi tayo lalago.
“But if you’re doing it for higher good, which is to glorify God via public service and via giving information, then everything will be so professing and everything will go into places. Tatagal tayo ng taon na hindi natin namamalayan kasi may purpose, e.
“Pero kung ang purpose natin ay pasikatin ang ating sarili, guguho tayo. Yun ang advice na maibibigay ko sa inyong dalawa.”
Memorable interviewS SO FAR
Naitanong naman kay Kuya Kim kung sino sa dinami-rami na niyng mga nakausap o na-interview ang maituturing niyang pinaka-memorable.
Ito raw ay walang iba kundi ang madalas sabihin na “kamukha” niya, ang South Korean actor na si Gong Yoo.
Ayon kay Kuya Kim, “Para sa akin, ang pinaka-memorable talaga, recently lang. Nang ipinadala ako ng management ni Gong Yoo. Dahil sabi nila kamukha ko si Gong Yoo, pinadala ako sa Hong Kong at nakilala ko, I was given a 15-minute interview with Gong Yoo at nakita kong kamukha ko ngang talaga.
“Hindi mo maikakaila na talagang kamukha ko si Gong Yoo, sombrero lang ang nagbabago, e. Pero talagang kamukha ko,” ang tila seryoso pero pabirong sabi ni Kuya Kim.
Dagdag pa niya, “But that was one of my most memorable experiences that I had and many others.
“Usually abroad and nakapagbisikleta ako at na-cover ko ang Red London, it’s one of the most famous bicycle races in the world. Hindi ko makakalimutan iyon and many others that I had in my 17 years in the industry.”
HOT STORIES
pmrsc.com
Be First to Comment