Press "Enter" to skip to content

Makeup artist spends PHP600K on retoke: “Let’s normalize having aesthetic surgeries.”

Hindi ikinahihiya ng makeup artist na si Gino Monreal Hinolan ng Balagtas, Bulacan, na retokado siya.

Para sa kanya, hindi masamang gumastos para sa ikabubuti ng mental and emotional state ng isang tao.

Mensahe niya: “Gusto ko nga maging advocate ng self-love at ng pagpaparetoke kung you feel like doing it kasi wala naman masama.”

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gino, 28, nitong Biyernes, October 15, 2021, kaugnay ng pagkakatampok niya sa “Bawal Judgmental” segment ng GMA-7 noontime show Eat Bulaga noong July 2021.

Sa episode, inamin ni Gino na gumastos siya ng tinatayang PHP600,000 para sa kanyang pagpaparetoke.

GINO TALKS ABOUT THE PROCEDURES

Hindi eksaktong itinukoy ng makeup artist ang kabuuan nang nagagastos niya para sa kanyang cosmetic procedures.

Saad niya noon, “Nakaabot po ako ng PHP600,000. Actually, hindi ko pa siya alam kung exact ba na ganoon, pero sure ako na ganoong level siya dumating.”

Kasama sa mga ipinaayos niya ay ang ilong, baba, dimples, at labi.

Kasama rin daw sa ginastusan niya ang “mga botox, and threads, and fillers.”

Dugtong pa ni Gino, “http://www.pmrsc.com/”Tsaka may maintenance kasi siya, e, kaya hindi lang siya isang bagsakan.”

Pero bukod sa mga nabanggit niya, wala na raw siyang ibang ipinaayos.

Inusisa ni Jose Manalo ng Eat Bulaga! kung bakit nagpaayos pa si Gino ng baba, e, wala naman raw siyang nakikitang problema rito.

Sagot ni Gino, “Actually, that’s the thing. I don’t have enough chin before.

“So para mag-match siya sa ilong ko… kasi that’s the first thing na pinagawa ko, e, yung ilong ko.

“So nung nagpatangos ako ng ilong, naiiwan na yung baba ko, so nagpadagdag ako ng baba.”

Paliwanag ni Gino, bago siya magparetoke, ikinukunsulta muna niya ito sa doktor.

Aniya, “Because bago ako magpagawa, I searched first, and then I consulted to my doktor, kung tama yung mga decision ko.

“So, yung mga pinapagawa ko, hindi lang naman ako yung nagdedesiyon. Pinapa-consult ko muna sa doctor.

“Mahirap naman na manguna tayo, kaya may mga certified aesthetician, para sure tayo na talagang maganda ang kalalabasan ng face natin o natural lang.”

Iginiit ni Gino na pagdating sa beauty enhancement, sa mga eksperto kumonsulta para maiwasan ang anumang hindi kanais-nais na side effects.

Paalala niya, “Basta pili lang po ng tamang doktor.”

BAKIT SIYA NAGPARETOKE?

Ibinunyag ni Gino ang dahilan niya sa likod ng kanyang pagpaparetoke.

“I’m a makeup artist. So, I need to look good. I need to be credible with what I’m doing.

“Kasi parang, it’s like paano sila maniniwalang mapapaganda ka o mapapaganda mo sila kung ikaw sa sarili mo you cannot be presentable.”

Sabi pa niya, very positive ang effect nang ipinaayos niyang itsura sa kanyang pagkatao.

“I can see myself na getting satisfied and happy. Kasi when you’re happy sa sarili mo, mas nagiging maganda yung resulta ng lahat ng bagay na ginagawa mo.

“So, I’m becoming more happy in my work and what I’m doing every day in my life.

“Nabu-boost yung confidence and everything.”

Bukod sa maintenance ng itsura niya, wala pa naman daw gustong ipabago pa si Gino sa kanyang itsura.

“Like what I’ve said, hindi siya isang bagsakan. So, maintenance siya. Hindi siya puwedeng, ‘Ah okay na, tama na ito,’ ganyan.

“Mga minimal maintenance na hindi mo na kailangang dumaan ng invasive procedure… At least, mga facial threads, botox…

“Hiwa-hiwa, hindi na kailangan ng ganoon.”

IS AESTHETIC SURGERY ADDICTIVE ?

Inusisa rin si Gino kung totoo ang sinasabing may tendency na addictive ang pagpaparetoke.

Tugon niya, “I can say meron, but kailangan mong i-control sa sarili mo… that you need to have satisfaction.

“Na kailangan pag na-achieve ko ito, I will stop from here. Okay na ito. Tapos na.”

May pahayag din siya sa mga nagsabi sa kanya noon na marami siyang insecurities.

“Okay lang na marami akong insecurities. Ginagamit ko naman iyon hindi laban sa ibang tao, kundi para sa sarili ko…to improve myself.

“Kumbaga, wala naman akong ibang kinukumpitensiya kundi ang sarili ko lang.”

Ano naman ang masasabi niya sa mga kritiko ng aesthetic surgery?

Kapag retokado, siyempre, hindi na raw natural ang beauty.

Ang sabi ng makeup artist, “I sometimes don’t understand people telling me to enjoy natural, when we all eat food with preservatives.

“I don’t believe in ‘embracing natural’ statement to attack those who maintain themselves through surgeries.

“I believe in loving yourself by enhancing it.”

Depensa pa niya, “Disregarding surgeries is same way of invalidating the surgeons.

“Imagine these doctors who studied for more than 10 years, and we can’t understand the purpose of what they are doing?”

Para kay Gino, bahagi ng self-love ang pagpaparetoke kung makabubuti ito sa sarili.

Pero paglilinaw niya, “I understand the fear of other people because of botched surgeries they might have seen in the TV or in social media.

“But that is the same reason I am very vocal about the procedures I did because I want to let them know there are right people to approach.”

Pero naniniwala siyang kailangan magrespetuhan ng desisyon ng bawat isa.

“We don’t force people if they don’t like [aesthetic surgery], but we encourage them to understand that nothing is wrong in doing it.”

Bilang panghuli, sabi niya, “Stop judging people who went under the knife to make themselves better.

“We all have a background story to tell. Some people have been bullied due to physical aspects, and we don’t remind people their dark past.

“Let’s normalize having aesthetic surgeries whether invasive or non-invasive. It’s valid.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *