Press "Enter" to skip to content

Mga negosyante, may pakiusap sa gobyerno tungkol sa 13th month pay ng employees

Ilang buwan na lang at Pasko na, kaya ang tanong ng mga manggagawa sa private sector: “Makakatanggap kaya kami ng 13th month pay?”

Dahil hindi regular ang pagpasok sa trabaho ng mga nasa private sector dahil sa pandemya, inaasahang maglalabas ang Department of Labor and Employment ng advisory kaugnay sa 13th month pay ng empleyado.

Noong isang taon ay nilinaw ng DOLE na hindi excused ang mga employers sa pagbabayad sa employees ng kanilang 13th month pay.

Pero kamakailan ay sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mahihirapan ang ibang kumpanya na magbayad ng 13th month pay.

Marami aniya sa mga negosyo ang hindi pa nakakabawi sa kanilang pagkalugi dahil sa pagsasara o limitado ang operasyon kapag may lockdown.

Pahayag ni Concepcion, “Thirty percent capacity won’t be enough to cover for the business expenses of our entrepreneurs and to pay off their amortization, employee salaries ang 13th month pay.

“They need more to recover. Let’s allow more fully vaccinated individuals to help our business sector as the cases go down.”

Ayon kay Eric Teng, presidente ng Resto PH sa panayam ng CNN Philippines noong October 12, napag-uusapan na ng kanilang grupo ang tungkol sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado ngayong pumasok na sa fourth quarter ang taon.

Bahagi aniya ng discussion na sana ay payagan sila ng gobyerno na makapag-operate nang 80 to 100% capacity hanggang December.

“Just let us open. Give us more capacity and we’ll try to manage as much as we can,” ani Teng.

13TH MONTH PAY ITINAKDA NG BATAS

Sa ilalim ng Presidential Decree 851, ang mga may-ari ng kumpanya at establisiyemento ay inaatasang bayaran ang kanilang mga empleyado ng 13th month pay, on or before December 24 ng bawat taon.

Ang 13th month pay na itinakda ng batas ay hindi dapat bababa sa one-twelfth (1/12) ng total basic salary na kinita ng empleyado sa loob ng calendar year.

“Dahil may time pa naman, I’m sure the Secretary [Silvestre Bello III] or the Department will issue an advisory as to how best companies, especially those reeling from the pandemic, should address paying or not paying the 13th month pay,” ayon naman kay DOLE spokesperson Rolly Francia sa ginanap na virtual forum noong October 11, 2021.

Ipinaalala rin ni Francia na ang 13th month pay ay may mandato ng batas.

Paliwanag niya, “The 13th month pay is mandatory, unless merong circumstances that would exempt specific or a particular company to pay, that includes closure.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *