Press "Enter" to skip to content

Nadine Lustre spotted HHWW with rumored French boyfriend in Makati

Tila patuloy ang pagkakamabutihan ni Nadine Lustre sa French guy na kinilalang si Christophe Bariou.

Patunay nito ay namataan si Nadine na ka-holding hands si Christophe habang naglalakad sa Greenbelt 3 shopping mall sa Makati City.



Bagamat nakatalikod ang lalake at babae sa litrato, may isa pang litrato kunsaan parehong nakaharap sila.

Ang babae ay nakasuot ng white crop top, wide-legged pants, at white platform sneakers. White shirt, shorts, at rubber shoes din ang suot ng lalake.

Pareho rin silang nakasuot ng face masks at face shields.



Pero may isang female netizen ang nakapagpakuha ng litrato kasama si Nadine, at sinabi rin ng netizen na ang aktres nga raw iyon.

Tugma naman ang outfit ng babaeng kasama ng netizen sa babaeng may ka-holding hands na lalake sa outdoor walkway sa Greenbelt 3.

NADINE SPOTTED AT COMELEC OFFICE IN SIARGAO

Mabilis natukoy ng netizens na si Christophe ang kasama ni Nadine dahil tugma ang features nito sa lalakeng madalas kasama ng aktres sa Siargao.

Base sa usap-usapan ng mga sumusubaybay na netizens kay Nadine, hindi na lang basta nagbabakasyon ang aktres doon.

Noong September 16, may fans si Nadine na nag-post ng videos at photos, na sinasabing kuha sa Commission on Elections (Comelec) office sa Barangay General Luna sa Siargao.



Makikitang kinunan ng thumbmark si Nadine para sa kanyang registration form.



May video rin kunsan makikita si Nadine sa tanggapan ng Comelec kung saan may mga nakapaskil na poster na may written text na “OFFICE OF THE ELECTION OFFICE.”

SURFING TOGETHER IN SIARGAO

Isa pang pinagkakaabalahan ni Nadine sa Siargao ay ang pag-aaral ng surfing.

Noong September 21, isang local surfing instructor ang nag-post ng video kunsaan makikita si Christophe na may dalang surfboard paahon ng dagat.

Sa di kalayuan, makikita ang babaeng hinihinalang si Nadine na tinuturuan ng instructor.



Kinabukasan, September 22, nag-post uli ang surfing instructor ng video kasama si Nadine, at nagpasalamat siya sa aktres dahil binigyan daw siya nito ng mobile phone.

Sinasabing ang instructor din na iyon ang nagkumpirma sa isang netizen na nobyo ni Nadine si Christophe.

PREVIOUS SIGHTINGS

Noong August 25, una nang naiulat ang mga pagkakataong namataan si Nadine kasama si Christophe sa Siargao.

Si Christophe ay may-ari ng isang boutique resort sa Sitio Lisob, Barangay General Luna sa Siargao Island.

Sa mga litratong kumalat noon sa social media, makikitang kaswal na namamasyal si Nadine sa Siargao kasama si Christophe, kumakain sila sa mga eatery, at nagpi-picnic sa tabing-dagat.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *