Tatanggapin na ng National Housing Authority (NHA) ang Philippine Identification (PhilID) card bilang valid proof of identity ng mga gustong mag-avail ng pabahay ng gobyerno.
Good news para sa mga may balak mag-apply sa housing programs ng gobyerno!
Inanunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong October 13, 2021 na tatanggapin na ng National Housing Authority (NHA) ang Philippine Identification (PhilID) card bilang valid proof of identity para sa applications sa housing programs ng gobyerno.
Ang NHA ay may mandato na magkaloob ng pabahay para sa low-income families.
Ngunit dahil kailangan ang documentary requirements, gaya ng valid ID, marami sa ating mga kababayan ang hindi makapag-avail ng nasabing programa.
Inaasahan na ngayong tatanggapin na ng NHA ang PhilID sa ay mas maraming low-income families ang magku-qualify sa nasabing benepisyo.
Bukod sa NHA, tinatanggap na rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang PhilID para sa passport applications and renewal.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) database ay ibabatay na rin sa national ID ng mga beneficiaries.
HOT STORIES
pmrsc.com
Read Next
Trending in Summit Media Network
Tatanggapin na ng National Housing Authority (NHA) ang Philippine Identification (PhilID) card bilang valid proof of identity ng mga gustong mag-avail ng pabahay ng gobyerno.
50%
Be First to Comment