Press "Enter" to skip to content

Oyo Boy Sotto sinunod ang payo ng amang si Vic kaya masaya ang pagsasama nila ni Kristine

GORGY RULA

Kapag isyung hiwalayan, ang daming nagkakainteres.

Kagaya nitong lumalaking isyu nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Gustung-gusto talaga ng mga taong dalirutin ang buong kuwento ng mag-asawa, at pinagpiyestahan pa rin sa social media.

Boring ba ang kuwento ng mga showbiz couple na masaya ang pagsasama?

Kagaya ng mag-asawang Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa na nagluwal ng panlimang baby nila kamakailan lang.

Nung nakatsikahan namin si Oyo Boy sa nakaraang virtual mediacon ng Daddy’s Gurl, natawa na lang ang ama niyang si Vic Sotto sa sinabi ng kanyang anak na sinunod daw nila ang payo ng kanilang ama, kaya masaya ang pagsasama nila ni Kristine, at pati na rin ang iba pa niyang kapatid.

Masaya at tahimik ang buhay ng iba pa niyang kapatid na sina Danica at Paulina kasama ang kanilang asawa at mga anak.

Sabi ni Oyo Boy, “Hindi ko makalimutan ang advice ni Daddy nung wedding namin ni Kristine.

“Sabi niya ‘Ang advice na maibibigay ko sa ‘yo, huwag mo lang ako gagayahin, okey ka.’

“Naalala mo yun, Daddy? Akala mo, nakakalimutan ko yun? Hindi ko nakakalimutan yun.

“Sabi niya, ‘Huwag nyo lang akong gagayahin,’ magiging siya daw ako,” natatawang pahayag ni Oyo Boy, at natatawa na rin si Bossing Vic.

“Hindi naman biro yun. Seryoso naman yun!” sagot ng kanyang ama.

“Sineryoso ko nga,” buwelta naman ni Oyo Boy.

“Very good. Very good,” natatawang tugon naman ni Bossing Vic.

Pero siyempre, masaya na ngayon si Bossing Vic sa pagsasama nila ni Pauleen Luna, lalo na’t naka-focus sila sa pag-aalaga kay Talitha.

“Oo naman! Sa edad kong ito, alangan naman…” napapangiti pa ring pahayag ng bida ng Daddy’s Gurl na magsi-celebrate ng kanilang third anniversary ngayong gabi.

Hanggang ngayon ay nasusubaybayan pa rin niya ang kanyang mga anak na masaya sa kani-kanilang pamilya.

Kaya wala na raw siyang mahihiling pa kundi healthy lang silang lahat at nagkakaroon pa rin ng time na magsama-sama sila kahit paminsan-minsan.

JERRY OLEA

Mas interesting ang hiwalayan kung saan nagpapalitan ng maaanghang na salita ang dating nagmamahalan.

Parang kuwento iyan sa pelikula na kailangang may conflict upang mapukaw ang atensyon at damdamin ng manonood.

Kung panay magaganda at masasayang kaganapan lang, walang kontrabida, walang tunggalian ng mga damdamin—mabuburyong ka lang.

Maalab ang sagutan ng mga paratang at parunggit nina Kylie at Aljur sa social media.

‘Tsura ng 1989 black comedy na The War of the Roses na pinagbidahan nina Michael Douglas at Kathleen Turner, maging ng 1997 film na Diliryo nina Jomari Yllana at G Toengi!

Sa payapang pagsasama nina Oyo Boy at Kristine, walang pelikula na sumasagi sa aking diwa.

I wonder… nakahinga kaya nang maluwag si Paolo Contis dahil hindi na siya napapag-usapan?

Ang isyu nila nina LJ Reyes at Yen Santos, natabunan ng Padilla vs Abrenica!

NOEL FERRER

Madalang mang magkita ang mag-ama, heto ang masasabi ni Oyo Boy.

Nakakatuwa lang daw na kapag dumadalaw sa kanila ang daddy niya, nakakasama ang bunsong kapatid na si Tali na kasundo raw ng mga anak niya.

“Ang hirap lang sa nangyari sa pandemic. Siyempre, hindi kami nagkikita madalas. Very seldom yung pagbisita namin kina Daddy, si Daddy dito sa amin.

“Pero, as much as possible pag nagkikita-kita kami, at kapag sina Daddy ang pumupunta sa amin, laging kasama nila si Tali.

“Ayun, nagkakasundo naman sila ng mga bata. Nakakatuwa lang.”

Ang saya lang ngayong pandemya, nakabangko na talaga tayo ng mga Family Day!!!

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *