Press "Enter" to skip to content

Patricia Tumulak does not mind being the “weakest link” among Dapat Alam Mo! co-anchors

Isang “dream come true” para kay Patricia Tumulak ang programa niyang Dapat Alam Mo! ng GTV.

Noon pa man, gusto na talaga ni Patricia na maging isang newscaster.

“Magbalik-tanaw tayo, noon sa Eat Bulaga! na nakapag-host ako, and then nakapag-pinch hit ako sa 24 Oras.

“Unang tapak ko sa 24 Oras, iba yung naramdaman ko. Parang sabi ko, ‘Ito yung gusto ko, public service, news.’ So ilang taon iyan.

“So matagal ko na siyang pinagdarasal,” pag-amin ni Patricia sa panayam ng PEP.ph (Philippinei Entertainment Portal).

Nilinaw din ni Patricia na nag-audition siya para sa show, at malaki ang pasasalamat niya na siya ang napiling isa sa mga magiging anchor.

Kuwento niya, “Hindi siya offered, pinag-audition ko siya…

“Noong sinabi ng handler ko a month ago na may audition, hindi sinabi ang exact details, basta sinabi na GMA under Public Affairs. Sabi ko, ‘Go, akin ito. Kini-claim ko na ito.’

“Hanggang sa mag-audition, may final call and everything. So pinagdasal ko siya. Sabi ko nga, I envisioned it, I dreamt about this one ever since, and ang sarap ng feeling na, ‘Ito na siya.’ Parang posible pala.”

Masasabing matagal niyang pinaghandaan ang pagiging anchor ng show.

“With preparation, actually, hindi siya preparation,” sabi niya.

“It becomes part of my system, I guess. Ever since I meditate, I start my day with yun nga, I make sure that it’s productive.

“From yoga, from physical, bonding with family. All aspects I focused especially during the pandemic. From mental, physical, spiritual.

“So I guess, yung parang buo na nga ako and the rest followed, tuluy-tuloy na yung blessing because you feel it also, you pray for it.

“Sabi ko nga, the challenge is to be consistent and tuloy ko lang ang ginagawa ko. Siyempre, there’s always a room for improvement—research, prepare.”

Aminado naman si Patricia na kinabahan siya nang makasama ang mga batikan sa larangan ng news and public affairs na sina Emil Sumangil at Kim Atienza.

“Sobra!” mabilis niyang sagot.

“Iba, iba ang kaba na hindi ko lang pinapakita. Pero mas namo-motivate ako, mas natsa-challenge ako na I’m in the right group and environment. Because sabi nga nila, kung ikaw yung baguhan or weakest link, you’re in the right group.

“Kasi, ito yung tinitingala mo, yung nandito ka na. So you get the energy from them, you learn from them. I’m super grateful kasi nasa tamang grupo ako.”

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *