Press "Enter" to skip to content

Pauleen Luna, Vic Sotto celebrate 10 years of togetherness

Ipinagdiwang nina Pauleen Luna, 32, at asawang si Vic Sotto, 67, ang kanilang sampung taong anibersaryo bilang magkarelasyon.

Sa Instagram ngayong araw, November 7, ibinahagi ni Pauleen ang ilang larawan nila ng asawa.

Nagpasalamat si Pauleen kay Vic dahil palagi siyang ginagabayan nito.

Buong mensahe ng actress-TV host sa caption: “And just like that… Happy 10 years of togetherness to the one who has my heart! Know that in this life, i will always choose you, it will always be you, always be us.

“Life may not always be easy but i know that we can breeze through anything as long as we’re together.

“Thank you for always having my back [heart emoji] I love you and everything that comes with it! Happy 10th Anniversary @mzet280 ! God is good!”

Isinapubliko nina Pauleen at Vic ang kanilang relasyon noong taong 2013.

Ikinasal sila sa St. James The Great Parish Church sa Ayala Alabang Village, Muntinlupa, noong January 30, 2016.

Noong Enero 2021, ipinagdiwang nila ang ikalimang taong anibersaryo ng kanilang kasal.

Ang kanilang anak na si Tali ay nagdiwang naman ng kanyang ika-apat na kaarawan kahapon, November 6.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *