Press "Enter" to skip to content

Pinoy rope skipper Ryan Alonzo breaks world record with 40,980 double skips

Hawak ngayon ng Pinoy rope skipper na si Ryan “Skipman” Alonzo ang bagong world record para sa double under skips in 12 hours.

Nagawa niya ito noong October 2, 2021.

Nakapanayam si Ryan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 14.

Thirty four years old siya, at may food business.

Kuwento niya, “Mga 10 years na akong nag-i-skip rope pero para lang sa warm up. Sineryoso ko lang ito mga one year ago lang.”

Ang bagong record na nagawa ni Ryan para sa double under skips sa loob ng 12 hours ay halos doble ng previous record.

“Yung category is called ‘most number of double under skips in 12 hours.’ Iyan yung actual na parang record na hinahabol natin.”

Sa double under skips, ang jump rope ay kailangang dumaan nang dalawang beses sa ilalim ng paa kada talon.

“Kailangan kong ma-beat, 20,000. Naka-40,980 ako.”

Ipinaliwanag din niya ang mechanics ng laro.

“Bale mag-i-start lang yung time ‘tapos mag-e-end siya after 12 hours. So, kahit ano’ng gawin mo sa 12 hours na iyon, tumatakbo pa rin yung oras. Parang sa basketball, tumatakbo pa rin ang oras kahit mag-dribble ka lang.

“Puwede kang magpahinga kahit gaano katagal ang gusto mo. Kaso siyempre mababawasan yung 12 hours mo kasi tumatakbo yung oras, e.

“Nagpahinga naman ako. Marami akong pahinga.”

Sa panayam sa kanya ng CNN Philippines noong October 7, sinabi niyang naging puhunan niya sa kanyang magandang porma ang paglahok niya noon sa marathon.

Aniya, “Around 3 or 4 years ago, I joined a marathon. That is the closest thing I can compare to what I did last Saturday because it is a long-endurance activity.

“So, I took the wisdom or my learnings from that marathon and applied it here.”

Sa ngayon, ipinapahinga muna ni Ryan ang kanyang katawan.

“Nagre-recover pa rin ako, and parang trying to keep in shape lang ako, e. So, pa-workout, trying to keep fit, ganun. Pero wala pa naman akong next na hinahanap na challenge.”

Pinoproseso na rin nila ang pagsusumite ng mga kinakailangang ebidensya sa Guinness World Records para opisyal na kilalanin ang kanyang naitalang bagong world record.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *