Press "Enter" to skip to content

Ruffa Gutierrez gets “so affected” talking about domestic violence

Naiyak si Ruffa Gutierrez, 47, nang magsalita tungkol sa pambababae ng mga mister at domestic violence na nararanasan ng mga inang kalahok sa “Reina ng Tahanan” segment ng It’s Showtime.

Si Ruffa ang isa sa mga judge ng pageant para sa mga nanay ng Kapamilya noontime show.

Sa episode ng It’s Showtime noong October 8, Huwebes, ilang contestants ang nagbahagi tungkol sa pangangaliwa at pananakit ng kanilang mister.

Nakaantig ng damdamin ang contestant na si Florita Liray na naranasang pagbuhatan ng kamay ng kanyang mister.

Dahil sa pananakit ng asawa ay umabot pa sila sa presinto, pero pinatawad ng ginang ang mister.

Katuwiran ng ginang, ito ay dahil nanumpa silang magsasama sa hirap at ginhawa. Lima ang kanyang mga anak at handa siyang magtiis bilang ilaw ng tahanan.

Sabi pa ni Florita: “Ako na lang ang magpakumbaba, ako na lang magdala sa lahat… kaysa sa inyo na mawawalan kayo ng tatay.

“Sa isang taon, 365 [days], so isang araw lang magkamali ang papa niyo, okay na.”

Sinabi rin niyang unti-unti nang nakikita ang pagbabago sa kanyang asawa ngayon.

RUFFA GETS EMOTIONAL

Malalim ang hugot ni Ruffa nang siya na ang magsalita tungkol sa contestants.

May personal experiences daw ang aktres sa mga pinagdaanan din ng mga ginang.

“Just remember, magaganda kayo and always love yourselves. You deserve only the best,” bungad ni Ruffa.

“Sa dami-daming buhay na narinig namin dito—ke mayaman, matangkad, guwapo o medyo tamad ka, pangit, bungi, nambababae sila…

“Ito na ba yung kultura natin na kaya nating tanggapin iyon?

“I’m serious. I’m so affected, di ba, na parang kailangan ba natin tiisin ang ganitong buhay?

“This is not what we deserve. We deserve more than that, so let’s love ourselves.”

Naging emosyonal si Ruffa nang talakayin ang naranasan si Florita.

“And especially sa domestic violence, huwag nating hayaan na itrato tayo nang ganoon, ng mga asawa natin, di ba?

“Make a stand. We do have a choice in our lives.

“And that choice is to leave that person that continues to hurt us,” sabi ng aktres, na hindi na napipigilang maiyak.

Pinayuhan ni Ruffa si Florita na ituloy ang pangarap nitong tapusin ang pag-aaral para maging isang nurse.

“Develop yourself and you can become a nurse,” sabi niya.

“Naiintindihan ko yung tinitiis mo yung pananakit ng asawa mo dahil sa mga anak mo, pero ako nagtiis din ako. Nagtiis din ako noon.

“But there is a time when we have to stop.

“Kaya natin iyan, Nanay. Please, huwag niyo hahayaan na tratuhin kayo nang ganoon.

“I’m so sorry, it’s just so painful.”

RUFFA’S PREVIOUS MARRIAGE

Si Ruffa ay ikinasal sa Turkish businessman na si Yilmaz Bektas noong 2003.

Nagkaroon sila ng dalawang anak, sina Lorin, 18, at Venice, 17.

Inanunsiyo nina Ruffa at Yilmaz ang kanilang paghihiway sa pamamagitan ng isang joint statement noong 2007, o labing-apat na taon na ang nakalilipas.

Vocal si Ruffa sa pagsasabi tungkol sa pananakit na naranasan niya noon mula kay Yilmaz.

Sa katunayan, sa presscon para sa isang endorsement noong 2019, sinabi ng aktres na natatakot pa rin siya sa tuwing yayayain siya ng ex-husband na magkita sila.

“I’ll be lying if I don’t admit that I’m still scared of my ex. It’s been twelve years [since we separated] and we’re okay now.

“We talk but even if he’s invited me many times to go back to Istanbul, I can’t do it because I have this notion in my head that he will kill me.”

Kung magkikita raw sila, mas gusto ni Ruffa na mangyari ito sa isang ligtas na bansa, kagaya ng U.S.

“My children are American citizens as well, so I know that if he goes there and does something wrong, he’ll be sent to prison,” sabi pa noon ni Ruffa.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *