Press "Enter" to skip to content

#SanaAll: 3 siblings, topnotcher sa Physician’s Licensure Examination

Nag-trending ukit sa social media ang pamilya ni Dr. Eric Peralta.

Lahat sila sa pamilya ay mga doktor, mula sa kanyang maybahay na si Dra. Ana hanggang sa kanilang tatlong anak.

Bukod dito, panay board topnotcher din ang kanilang mga anak sa Physician’s Licensure Examination (PLE).

Ang panganay na si Ana Bianca Eloise Peralta ay nag-Top 6 sa PLE noong September 2015.

Top 5 naman ang sumunod dito na si Ana Eryka Elaine Peralta sa PLE noong September 2017.

Bongga ang bunso at unico hijo na si Federico Adriano Peralta IV dahil nag-Top 1 sa PLE noong September 2019.

Ang magkakapatid ay mga doktor ay sa St. Luke’s Medical Center.

ON BEING A FAMILY OF DOCTORS

Kahit parehong doktor ang parents, sinabi ni Bianca na hindi sila pinilit ng mga ito na sundan ang kanilang mga yapak.

Para naman kay Ana, mahalaga ang suporta ng parents sa kanilang mga anak kahit gaano pa ka-busy sa trabaho.

Aniya, “Give all the support that you can give to your children. No matter how busy you are, find time para talagang masuportahan.”

Ibinahagi naman ng family patriarch na si Dr. Eric ang naramdamang walang kapantay na kaligayahan dahil sa tagumpay ng mga anak.

Pagbabahagi niya, “Sobrang happy. We’re on cloud nine. Hindi ko made-define yung feeling kasi yung isa nagkaroon, yung pangalawa ganoon din.

“Pero ito, yung ultimate, finale top 1 pa. Ang sarap ng feeling.

“Yung magtaguyod ka lang ng isang doctor, ang laki na ng hirap na pinagdaanan namin. Pero sinulit nilang lahat yung pinaghirapan namin.”

Sinabi rin ni Dr. Eric na malaki ang tiwala nilang mag-asawa na magiging matagumpay sa napiling propesyon ang kanilang mga anak.

“The road Ana and I traveled as parents to these three has been long and bumpy. At this point, we can securely rest on the belief that their wings are already strong enough to make it excellently on their own.”

Kabilang ang mag-anak na Peralta sa mga medical frontliners ngayong may pandemya, kaya talagang extraordinary at kahanga-hanga ang kanilang pamilya.

HOT STORIES

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *