Press "Enter" to skip to content

Sandro Muhlach on entry to GMA Artist Center: “Hirap na hirap akong makapasok”

Kahit na galing siya sa isang showbiz clan, gusto ni Alessandro Martinno “Sandro” Muhlach na makilala dahil sa sarili niyang talent.

Si Sandro ay panganay na anak ni Nino Muhlach, na nakilala bilang Child Wonder of Philippine Cinema. Uncle naman ni Sandro ang multi-awarded actor na si Aga Muhlach, at mga aunties niya ang character actresses na sina Arlene Muhlach at Almira Muhlach. Lola niya ang Movie Queen na si Amalia Fuentes.

Sa isang Zoom mediacon noong September 30, 2021, umamin si Sandro na “may pressure” na mapantayan niya ang kanilang achievements.

Aniya, “Yes, may pressure po talaga. Siyempre Niño Muhlach, Aga Muhlach… Iyon ang kailangan kong mga pantayan. Pero dini-differentiate ko sarili ko sa kanila. I’m just doing my best as an actor.

“Ayokong makilala just for the sake of being a Muhlach.

“Gusto kong makilala being Sandro Muhlach. Hindi iyong parang sumikat lang dahil anak ni Niño Muhlach. Ayoko nang ganun. Gusto ko dahil sa pure talent ko lang.”

SANDRO ON JOINING GMA ARTIST CENTER

Kinuwento din ni Sandro ang mga pinagdaanan niya bago siya pinapirma bilang isa sa mga bagong talents na ide-develop ng GMA Artist Center.

Diin pa niya, hindi siya nagpatulong sa kanyang ama para makapasok sa GMA Artist Center.

“Tiningnan ko lang po iyong IG [Instagram] ng GMA Artist Center na nagpapa-audition sila. Nag-audition ako, nagdasal talaga ako.

“Actually, eight months akong nag-audition bago ako natanggap. As in pasa ako nang pasa ng mga audition videos. Hirap na hirap akong makapasok until noong December, tinawagan ako ng GMA Artist Center na nakapasok ako. Pinagdasal ko talaga siya, iniyakan ko po.”

Kaya raw masakit para kay Sandro ang sinasabi ng ibang netizens na kaya siya nasa showbiz ay dahil sa impluwensiya ng kanyang ama.

“Parang iyong mga comments kasi sa akin, ‘O, si Sandro, naging artista lang iyan dahil anak ni Niño Muhlach.’

“Hindi ganoon, e. Hindi porke’t anak ka ng artista madali ka nang makakapasok. No. Kaya naha-hurt ako pag sinasabi ng mga tao na dahil anak ng artista… Nag-audition talaga ako.

“Kaya bilin ng daddy ko is just be humble sa lahat ng taong makakasalamuha ko. And be kind sa lahat ng tagahanga ko. Kasi kaunting tsismis lang, masisira ka na.”

SANDRO ON GROWING UP AS SON OF NINO MUHLACH

Very grateful naman si Sandro sa kanyang ama dahil hindi raw nito itinago ang kanyang pagiging artista sa kanya at sa kanyang kapatid, ang child actor na si Alonzo Muhlach.

“Bata pa lang ako, sinasama na ako ni daddy sa mga shootings niya, lalo na kapag maganda yung location, tulad sa Manila Zoo.

“Kapag nasa mall naman po kami, may mga parating nagpapa-picture kay Daddy. Kaya doon ko nakita na sikat talaga siya.

“Si daddy rin ang nag-encourage sa aking maging artista. When he was directing theater plays, sinama niya ako sa isang stage play. Sinabak lang ako basta, binigyan ako ng script, pina-memorize sa akin ng one hour,” natatawang pag-alala ni Sandro.

Sa edad na 20, bukod sa pagiging artista, aktibo rin si Sandro sa sports tulad ng basketball at scuba diving. Marunong din siyang kumanta, sumayaw at tumugtog ng gitara. Nakagawa na rin siya ng ilang TV commercials.

Bilang bagong Kapuso, nakalabas na si Sandro sa unang episode ng Regal Studio Presents. Kasama rin siya sa segment ng All-Out Sundays na “FYP: Fresh Young Peeps,” kunsaan kasama niya sina Brianna Bunagan, Pamela Prinster, Mitzi Josh, and Gabrielle Hahn.

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *