Kapag makikita mo ang Sarimanok jeepney na ito, ibig sabihin ay may 500 taong gutom na makakakain.
Programa ito ng private organization na “Kain Tayo Pilipinas,” na suportado ng mobile kitchen ng Rise Against Hunger Philippines, isang international relief organization na naglalayong makatulong sa problema tungkol sa kagutuman at malnutrisyon.
Umaasa si Jomar Fleras, executive director ng Rise Against Hunger Philippines, na sana ay magsisilbing inspirasyon ang mobile kitchen project para sa iba pang organisasyon bilang tulong sa mga Pilipino, lalo na ngayong may pandemya.
Sa isang statement na inilabas ni Jomar kahapon, October 19, 2021, sinabi niya, “We are grateful for the unwavering commitment of our partner organizations who continuously supported us to address the root of the nation’s concern on involuntary hunger including challenges on food production, food distribution, and accessibility.”
Prayoridad Sarimanok mobile jeepney ang mga “more nutritionally at risk,” gaya ng mga nanay na may maraming anak at nagbi-breastfeed, mga buntis, mga may kapansanan, at mga senior citizens.
PROBLEMA ng PILIPINAS ANG MALNUTRISYON KAHIT WALAng PANDEMYA
Limang taon na si Jomar sa Rise Against Hunger Philippines. Siya ang naatasan ng U.S. office para ma-i-set up ang operasyon dito sa bansa.
Aniya, kahit nasa top five ang Pilipinas sa mga bansang madalas tamaan ng natural disasters and calamities, wala pa siyang nakitang krisis na kagaya ng COVID-19 pandemic.
Pahayag niya, “We do not know when it will end. Everything and every place have been paralyzed by the virus.”
Sa panayam sa kanya ng The Global Foodbanking Network noong May 28, 2020, sinabi niyang apektado ang feeding program nang pumutok ang pandemya noong isang taon.
“All our meal packaging events for the year have been cancelled and there are very few volunteers that we can mobilize.
“Our school feeding programs have also stopped due to the cessation of classes.”
Binanggit din niya na kahit noong wala pang pandemya, 70 percent na ng Filipino households ang “food insecure”.
Kailangan aniya ang coordinated public-private sector response na hindi lang nakapokus sa pagkontina sa paglaganap ng virus, kundi kung paano rin tutugunan ang problema sa kagutuman.
THREE-TIMES-A-WEEK FEEDING
Ang mobile kitchen ay kasalukuyang nasa Barangay Rosario, Pasig City, kung saan nagbibigay ito ng pananghalian sa mga residente.
Magkakaroon din ng mobile kitchens at food banks sa Taguig City at Manila.
Nagsasagawa ito ng feeding tatlong beses sa loob ng isang linggo sa mga araw ng Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Una itong isinagawa sa Pasig Elementary School noong September 30 kung saan 100 jeepney drivers ang unang pinagsilbihan kasama ang kanilang mga pamilya.
Ang proyekto ay bahagi rin ng Pilipinas Kontra Gutom, isang joint movement ng gobyerno at iba pang grupo bilang suporta sa Task Force Zero Hunger program.
Ang mga isinasagawang feeding program ay may kaakibat din na malnutrition education drive.
Ang mga indibidwal, kumpanya o organisasyon na nagnanais makibahagi para malunasan ang kagutuman at maltnutrisyon sa ating bansa ay maaaring mag-email sa: [email protected].
HOT STORIES
pmrsc.com
Be First to Comment