Parang pinawisan ang pakiramdam ni Senator Sherwin Gatchalian nang sagutin niya ang tanong tungkol sa wedding plans nila ng kanyang girlfriend, ang former beauty queen-turned-actress na si Bianca Manalo.
Gugunitain ng dalawa sa November 18 ang ikatlong anibersaryo ng kanilang relasyon kaya marami na ang nagtatanong tungkol sa pagpapakasal nila.
“Napakahirap naman ng tanong na iyan. Parang pinawisan ako sa tanong na iyan,” ang reaksyon ni Gatchalian na nakausap ng entertainment press sa Zoom media conference na naganap ngayong Sabado ng umaga, October 16, para sa pagdiriwang ng World Pandesal Day na brainchild ng writer, businessman at Kamuning Bakery owner na si Wilson Lee Flores.
“Wala akong maibibigay na definite date. Ang aking pananaw diyan, of course, it’s in God’s time.
“Pag-uusapan namin na mabuti kung ano yung pinakamagandang oras for both of us. This is a mutual decision, so in God’s time. Wala akong maibabalita na definite day.”
Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng World Pandesal Day ang World Food Day ng United Nations at ang pagbubukas ng mga sinehan sa National Capital Region.
Para kay Gatchalian, panahon na para buksan ang mga sinehan at ang ibang mga business establishment na masyadong naapektuhan ng coronavirus pandemic.
Ramdam ni Gatchalian at ng pamilya niya ang malaking epekto ng pandemya sa negosyo dahil nagmamay-ari sila ng mga hotel.
“Our family business is connected to the hospitality industry. Napakasama ng hospitality and tourism industry right now.
“In fact, almost an average of ten to fifteen percent lang ang occupancy rate.
“Just to give you an idea, the break even is about 35% to 40%. Below break even lahat ng hotel ngayon kaya nagsara ang Makati Shangri-La, Marco Polo in Davao and other hotels.
“Maraming nagsara kaya itong alert system na ini-implement natin ay maganda because it’s granular. Hindi sweeping yung application at may flexibility yung mga local government to implement whatever alert levels they deem necessary.
“Kailangan talaga magbukas. It’s a very difficult balancing act, I know but we need to slowly open up our economy dahil hindi kakayanin ng gobyerno na bigay nang bigay ng ayuda.
“We’re not a rich country. We don’t have unlimited resources and we have other important things to finance also.”
Hindi nakalimutan ni Gatchalian na batiin at purihin si Wilson Lee Flores dahil sa pagtataguyod nito sa World Pandesal Day.
Aniya, “Kahit sa Pilipinas na-invent ang pandesal, world renowned na yung ating pandesal.
“Pandesal is a symbol of the country. Hindi lang po mayayaman o middle class ang kumakain ng pandesal, lahat ng mga Pilipino.
“From the most high end restaurant to the most simple bakery, I can find pandesal. Congratulations for this innovative celebration.”
pmrsc.com
Be First to Comment