Press "Enter" to skip to content

Single mom, naipatayo ang kanyang two-story dream house sa halagang PHP700K

Umabot sa PHP700,000 ang nagastos ng isang single mom sa Cebu para maipatayo ang kanyang two-story dream house.

Si Wendee Arriesgado ay may tatlong anak na mag-isa niyang itinataguyod.

Nakabibilib na ang naipatayo niyang dream house ay galing mismo sa sariling kita at hindi inutang.

Pero matinding pagba-budget at disiplina sa sarili ang pinairal ni Wendee para matupad ang pinapangarap na bahay.

Kuwento ni Wendee sa ulat ni Vonne Aquino para sa State of the Nation, noong October 15, 2021, “For many years, andoon kami sa Cebu City nakatira.

“All those years, kailangang magbayad ng rent, kailangang magbayad ng amortization.

“So, I thought na it did not work for me kasi I have three kids.

“Solo parent ako… mag-isa lang akong nagwo-work for the family, breadwinner.

“So, I’ll think about building a house here sa probinsya kasi malapit sa beach.”

Taong 2019, nagdesisyon si Wendee, kasama ang tatlong anak, na lumipat sa Daanbantayan, Cebu, kung saan mayroon silang pagmamay-aring lote.

Sa initial fund na PHP200,000, nagsimula ang single mom na simulan ang pagpapatayo ng kanyang dream house.

Inunti-unti niya ang construction.

Patuloy na kuwento ni Wendy, “Nakagawa kami ng foundation, hanggang sa ang part of the first floor lang—no flooring, none whatsoever…

“So, I had to stop it na.”

Sa huling bahagi ng 2020, walang ginawa si Wendee kundi ang kumayod para makapag-ipon.

Lahad niya, “August hanggang December last year, nag-work hard talaga ako.

“Talagang project sa side, side hustle naman, or kukuha ng ibang projects overtime…

“Hanggang sa nakaipon ako ng just enough. Sabi ko sa sarili ko, ‘I think makakabili na ako ng materials nito. Mauumpisahan na naman yung project.’”

Maging ang mga anak niya ay tinuruan niya kung paano maging masinop.

Ani Wendy, “You need to let them know where you stand, financially, “

“Para alam nila how to help, alam nila where the boundaries are sa paggastos.”

Para hindi rin mahirapan sa pagpapatayo, humanap si Wendee ng supplier ng construction materials na pumayag na bigyan siya ng flexible payment scheme.

Inuunti-unti niya ang pagbayad sa supplier sa tuwing kinsenas.

Payo naman ni Wendee pagdating sa transaksiyon sa supplier, “It’s really, really important na pag sinabi mo na magbabayad ka, talagang magbabayad ka.”

Sa darating na Disyempre, balak nang lumipat nina Wendee sa kanyang dream house.

“It’s fulfilling, it’s rewarding. Parang blood and sweat of all the hard work,” aniya.

“It’s unbelievable na natapos siya, na finishing na lang, na we get to transfer this year.”

Payo niya sa mga na-iinspire na magpatayo ng bahay, magkaroon ng maayos na pagplano, pag-monitor sa gastos, at matipid na lifestyle ang kailangan.

“You have to really discipline yourself, and you have to make it happen, and you have to focus if you want to have that future, na wala kang babayaran, if you want that house built.”

HOT STORIES

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *