Press "Enter" to skip to content

Sunshine Cruz explains freelancer status after netizens question her loyalty

Nagpaliwanag si Sunshine Cruz tungkol sa kanyang pagbabalik sa GMA Network.

Bago ito, huling napanood ang aktres sa drama series ng ABS-CBN na Bagong Umaga, na nagtapos noong April 2021.

Matapos ang halos pitong buwang pamamahinga, magbabalik-telebisyon ang 44-year-old actress.

Ito ay sa pamamagitan ng two-part episode ng Wish Ko Lang, ang weekly drama anthology ng GMA-7. Pagbibidahan din niya sa Kapuso network ang Stories from the Heart: Love on Air.

Dahil dito, may ilang netizens na kumukuwestiyon sa loyalty umano ni Sunshine.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook post kahapon, October 21, mahinahong ipinaliwanag ng aktres ang kanyang estado bilang freelance artist.

Ayon kay Sunshine, nagpapasalamat siya sa mga oportunidad na ibinibigay sa kanya ng tatlong malalaking istasyon sa bansa—ABS-CBN, GMA-7, at TV5.

Saad niya, “Konting pagkaklaro lang sa ilang mga comments na aking nabasa ngayon.

“I am grateful to both networks for always giving me the opportunity to work for them.

“Lagi nila akong tinatanggap with open arms at blessing ang work sa akin. I appreciate the inquiries and work being given to me by both Kapamilya and Kapuso.”

Makakasama rin niya ang kanyang co-star sa Wildflower ng ABS-CBN na si Maja Salvador sa teleserye ng TV5 na Niña Niño.

Ani Sunshine, “Even with TV5 nagpapasalamat ako because I will be seen soon bilang guest sa Niña Niño.

“Hindi ako nagdalawang isip dahil gusto ko ulit maka trabaho si Ms. Maja Salvador na aking naging anak sa Wildflower.”

Bukod sa pagiging freelance artist, single mom din si Sunshine at kailangan niyang itaguyod ang kapakanan ng tatlong anak na babae na sina Angelina, Samantha, at Cheska.

“Isa akong ‘freelance artist o freelancer’ and as a single mom who fends for my 3 princesses, ang magandang oportunidad that’s being offered to me ay aking tatanggapin.

“I am 44 years old pero marami pa akong pangarap at gustong ma-achieve sa buhay.”

Kaya pakiusap niya, “Huwag po sana kayo magalit sa mga katulad naming freelance artist na ang gusto lamang ay magtrabaho ng maayos para sa aming mga pamilya.”

Nagsimula sa GMA-7 si Sunshine bilang miyembro ng That’s Entertainment, naging co-host ng GMA Supershow, at naging bahagi ng original cast ng Bubble Gang.

HOT STORIES

pmrsc.com

Read Next

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *