Maging isang doctor ang pangarap ni Jacgil Antoni Banda Oculam, 23, mas kilala bilang Jac, at residente ng Albuquerque, Bohol.
Solong anak si Jac ni Aling Hilaria, isang dometic helper sa United Kingdom.
Nasawi naman ang kanyang amang si Gil noong November 2015 dahil sa aksidente sa motor.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Electronics Engineering sa University of San Carlos noong December 2019 bilang cum laude.
Top eight naman siya sa Electronics Engineering (ECE) licensure examination na isinagawa nitong October 2021, at may rating na 88 percent.
Nakapanayam si Jac ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 6.
MEDICAL COURSE hindi natustusan, pero blessing in disguise
Ayon kay Jac, “I wanted to be a doctor. But my mom said na hindi na niya kaya na paaralin ako if magdo-doctor ako. So, I decided to take engineering instead.
“I had a hard time choosing kung anong engineering program ang ite-take ko, until napagdesisyunan ko na ECE ang kunin.”
Natatawa pa niyang sambit, “I don’t have a background sa program na ito actually! Natutunan ko lang lahat sa college.”
Kuwento pa niya ay mahirap ang kinuha niyang course.
“Yes po, sobrang hirap! Ang daming kailangang pag-aralan. Pero kahit ang daming times na nahihirapan, fulfilling pa rin naman.
“Siguro ang best part ng pagiging isang ECE student is that you got to learn something new every day talaga.
“And isa pa, makaka-meet ka ng mga barkada na ka-vibes mo that will help you carry the burden of the program. Tulung-tulong kayo na malampasan ang ECE.”
NAGDASAL PARA PUMASA, HINDI PARA MAPABILANG SA TOP 10
Para kay Jac ay worth it ang lahat nang pagsisikap ng kanyang ina para mapapag-aral siya, at ang hirap na pinagdaanan niya bilang ECE student nang pumasa siya sa board exam.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kasama siya sa Top 10.
Aniya, “Even now it hasn’t sunk in yet that I’m a topnotcher. I can never measure the joy I feel now.”
At dahil tatlong beses na-postpone ang kanilang board exam dahil sa pandemic, medyo nawalan din siya noon ng focus sa pagre-review.
“There were times when I just didn’t like to study because of the uncertainties. It’s worth the long wait and sleepless nights.”
Aminado rin siyang ang tanging panalangin niya noon ay ang makapasa.
“To be honest, I didn’t pray that I would be a topnotcher. But I always pray just to pass only. God is so good.”
INSPIRASYON ANG INA NA DOMESTIC HELPER
Alay ni Jac ang kanyang achievement sa ina at sa namayapang ama,
Aniya, “She’s a very loving and supportive mom. As long as nakabubuti sa akin ang mga decisions and plans ko, she’ll 100% support it po.”
Plano na rin niyang pahintuin ito sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
“Ngayong tapos na po ako, baka mag-for good na siya dito sa amin sa Bohol.
“Magsi-sixty-two na rin kasi siya this coming December.”
May plano na rin siya para sa kanyang tatahakin na career.
“I am a scholar ng DOST [Department of Science and Technology] na ang return of service is to teach, so, I’ll have to render service pa po.
“But I would love to work in the semicon industry or telecommunications na field to practice my profession.”
pmrsc.com
Be First to Comment