Press "Enter" to skip to content

Yasmien Kurdi, handang-handa nang magka-baby number two

GORGY RULA

Matagal nang gusto ni Yasmien Kurdi at ng asawa niyang si Rey Soldevilla na masundan ang anak nilang si Ayesha, pero hindi pa sila nabibiyayaan.

“Anytime, in God’s time, ready po. Gusto ko nang magka-second baby,” pakli ni Yasmien Kurdi sa nakaraang virtual mediacon ng bagong afternoon drama nilang Las Hermanas.

Matagal na siyang handa na mabuntis uli, at napag-usapan na nila ito ng kanyang asawa. Pero dapat ay wala raw pressure para makabuo.

“Relax lang para makabuo,” dagdag ng Kapuso actress.

Dapat na rin daw magkaroon ng kapatid si Ayesha, dahil mas masaya raw ang bonding kapag nadadagdagan na ng miyembro ang pamilya, kagaya nitong huling bonding nila sa Camp Joni sa Rizal kung saan ay sinubukan nilang mamuhay sa probinsya.

Ipina-experience daw nila sa kanilang anak ang buhay-probinsya na na-enjoy nito nang husto.

“Gusto ko naman ma-experience yung probinsya life kami ng family and at the same time, ang saya niya. Kasi meron siyang trekking part, meron siyang hiking.

“Tapos, gusto ko ring magluto sa palayok. Alam mo yung mga sinauna, ganun. Wala lang, ganun lang yung trip namin ng family ko.

“Super enjoy po ang buong pamilya,” masayang kuwento ni Yasmien.

Masayang break niya ito bago siya nasalang sa promo ng Las Hermanas na magsisimula na sa October 25.

Thankful si Yasmien sa GMA-7 dahil maganda ang career plan sa kanya ng Kapuso network.

Itong Las Hermanas ang ibinigay sa kanyang project pagkatapos niyang mag-renew ng kontrata bilang Kapuso artist.

Natapos nila ang taping nito, kaya walang problema sakaling mabuntis na siya.

Pero habang wala pa, ini-enjoy niya ang trabaho at magagandang projects na ibinibigay sa kanya ng GMA-7.

NOEL FERRER

God bless Yasmien for her loyalty sa Kapuso Network.

Her loyalty to God and her family will eventually pay off, ‘ika nga, sa tamang panahon.

At least, habang binibiyayaan si Yasmien ng magandang career ay maayos din ang takbo ng kanyang buhay pamilya. Need you ask for more?

After all, katulad ng bonding nila sa probinsya, hindi ba’t maganda at bumabalik talaga tayo sa mga nauna nang blessings sa buhay ni Yasmien? Back to basics talaga—maayos na buhay, magandang pamily, maayos na career… at siyempre, ang maayos at magandang relasyon sa Panginoon nating lahat!

All the best, Yasmien!

JERRY OLEA

Dalangin natin na mabiyayaan sina Rey at Yasmien ng karagdagang supling … kung puwede ay kambal!

Masinop sa buhay ang mag-asawa, kaya higit pa sa sapat ang kakayahan nila sakaling lumaki ang kanilang pamilya.

Bakit hindi nila subukang magpatulong sa siyensya upang matupad ang kanilang pangarap?

pmrsc.com

Be First to Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *